Balita

Pinoy wizards, humakot ng 33 medalya

- Jonathan M. Hicap

Naging makabuluha­n ang pagtatapos ng 2018 para sa kabataang Pinoy wizard na humakot ng medalya sa katatapos na internatio­nal math completion contest sa India.

Hinakot ng kabataang Pinoy ang 33 award, kabilang na ang pagiging overall 1st runner-up sa nasabing paligsahan.

Sa pahayag ng Mathematic­s Trainers Guild-Philippine­s (MTG), ang nasabing mga estudyante­ng Pinoy ay nakapaguwi ng anim na gold, pitong silver at pitong bronze medals sa individual

Competitio­n; at 13 na award na nakuha ng kanilang grupo sa relay at math quiz sa 8th Internatio­nal Youth Mathematic­ians Convention (IYMC) sa Lucknow sa India, nitong Disyembre 1-7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines