Balita

SSS funds, sapat

- Leandro Alborote

TARLAC CITY - Inihayag kahapon ni Social Security System (SSS) PresidentC­hief Executive Officer Emmanuel Dooc na tatagal pa hanggang sa taong 2032 ang pondo ng ahensya.

Inilabas ni Dooc ang pahayag matapos itong dumalo sa idinaos na Multi-Sectoral Forum for Workers in the Informal Sector sa Central Luzon.

Aniya, target nilang mapalawig at tumagal pa ang pondo ng ahensiya hanggang sa 2038 dahil naipasa na ng parehong kapulungan ng Kongreso ang bagong SSS Charter of 2018.

Ito, aniya, ang magpapalak­i sa pondo ng mga miyembro sa pamamagita­n ng pagdadagda­g ng isang porsiyento kada dalawang taon hanggang sa 2025.

Bukod sa pagtataas ng halaga ng kontribusy­on upang tumatag ang pondo, siniguro rin ng SSS ang epektibong koleksiyon nito mula sa mga miyembro.

Patunay, aniya, ang patuloy na pagtaas ng koleksiyon na umabot sa P132 bilyon noong 2015, P144 bilyon noong 2016, P159 bilyon noong 2017, at P154 bilyon ngayong 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines