Seloso nagbigti

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Pinaniniwalaang dahil sa selos ay winakasan ng isang lalaki ang sariling buhay sa pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila, nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Robert Villena, 22, ng Jose Abad Santos Avenue, Tondo.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Jose Abad Santos Station (PS-7), nabatid na ang pagpapakamatay ng biktima ay nadiskubre ng kanyang kapatid na si David, dakong 11:00 ng umaga nitong Biyernes, sa loob mismo ng kanilang bahay.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na tinangkang magsuicide ng biktima.

Nitong Nobyembre 30, ayon sa pamilya, ay nagtangka rin umanong magpakamatay ang biktima dahil sa hinalang may karelasyong iba ang kanyang nobya.

Tumanggi naman na ang pamilya ng biktima na paimbestigahan pa ang insidente, sa paniwalang walang foul play na nangyari.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.