2 parak, arestado sa tupada

Balita - - Pangunahing pahina - Aaron Recuenco

Dahil sa reklamo ng ilang opisyal ng barangay laban sa isang tupadahan sa kanilang lugar, inaresto ang dalawang pulis-Maynila na sinasabing kapwa operator at protektor ng sabungan.

Ayon kay Senior Supt. Romeo Caramat, hepe ng CounterIntelligence Task Force (CITF), humingi ng tulong sa kanila ang mga opisyal ng isang barangay sa Tondo na hindi magawang maipatigil ang sabungan dahil umano sa regular na nasa lugar ang dalawang pulis.

Kinilala ang dalawang pulis na sina PO2 Melchor Raiws at PO2 Emerson Frutas, kapwa nakatalaga sa Police Station 1 ng Manila Police District.

“The barangay officials were alleging that the arrested police officers were the protectors and promoters of the said illegal cockfighting,” ani Caramat. “They said the tupada usually cause trouble and other crimes in their barangay.”

Inaresto kahapon ng tanghali ang dalawang pulis at limang sibilyan.

“One of the arrested policeman was even on police uniform during the arrest,” sabi ni Caramat, tinukoy si Frutas.

Nasamsam mula sa mga pulis ang isang .45 caliber pistol at isang .9mm pistol, dalawang panabong, dalawang tari, at P15,000 taya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.