Lolo dedbol sa bundol

Balita - - News - Orly L. Barcala

Nasawi ang isang senior citizen matapos siyang mabangga ng isang pampasaherong jeep, habang tumatawid sa Navotas City, nitong Biyernes ng gabi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Tondo Medical Center si Magin Icaonapo, 63, ng Barangay NBBN, dahil sa pinsala sa katawan at ulo.

Naaresto naman ng mga bagangay tanod si Virgilio Dator, 61, jeepney driver, ng Pascador Street, Bgy. Bangkulasi, Navotas.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa harap ng gasolinahan sa M. Naval Street sa Bgy. NBBN, Navotas.

Nagmamaneho umano ng pampasaherong jeep (TXE-377) si Dator nang biglang tumawid si Icaonapo.

Nagulat ang suspek at sinikap na kabigin ang manibela para maiwasang mabangga ang biktima, pero inabot pa rin ito ng hulihang gulong ng jeep.

Sa lakas ng pagkakabundol, tumilapon si Icaonapo at tumama amg ulo nito sa semento.

Naka-impound ngayon sa presinto ang jeep na nakarehistro kay Eduardo Bagaan, ng Sitio Puting Bato Navotas, habang kinasuhan na si Dator ng reckless imprudence resulting in homicide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.