Balita

Bebot, tinodas sa R800 na utang

- Ria Fernandez

Pinatay sa saksak nitong Biyernes ng gabi ang isang babae sa Tondo, Maynila dahil sa pagkakauta­ng niya na nagkakahal­aga ng P800.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Roselyn Dimagiba, alyas “Len-Len”, nasa 40-45 anyos, may kinakasama.

Batay sa paunang imbestigas­yon, sa dibdib ang tinamong saksak ng biktima mula kay Nilo Zabala, 33, matapos silang magtalo kaugnay ng P800 utang ni Dimagiba sa C. P. Garcia Street, bandang 6:20 ng gabi nitong Biyernes.

Tumakas ang suspek bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines