Baby ginilitan ni Mommy

Balita - - Pangunahing pahina - Ni FER TABOY

Patay ang isang pitong buwang sanggol nang gilitan ng sariling ina, na sinasabing nawala sa katinuan sa Barotac Viejo, Iloilo, kamakailan.

Nakapiit ngayon sa Barotac Viejo Municipal Police ang 28-anyos na suspek, na kinasuhan na ng parricide.

Hiniling sa mga awtoridad ng asawa ng suspek na itago ang pagkakakilanlan ng mag-ina.

Ayon kay Chief Insp. Joven Arevalo, hepe ng Barotac Viejo Police, gumamit ng matalas na dulos ang suspek sa paggilit sa leeg ng anak.

Paniwala ng pulisya, dumanas ng matinding depresyon ang suspek dahil nawawala umano ito sa sarili at hindi mapakali bago pa ang insidente.

Sinabi ni Arevalo na hiniram pa ng ginang sa isang kaanak ang nasabing dulos.

Sa imbestigasyon, nadatnan ng mister ang asawa na tigmak ng dugo ang katawan habang nasa lababo ang kanilang anak at wala nang buhay.

Sinabi pa umano ng mister na ininom ng kanyang misis ang dugo ng kanilang anak.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.