Nag-post ng nude pics, timbog

Balita - - News - Leandro Alborote

TARLAC CITY – Dinakma ng mga awtoridad ang isang lalaki nang i-post nito sa social media ang hubo’t hubad na mga larawan ng dating live-in partner nito na tumangging makipagtalik sa kanya sa Tarlac City, kamakailan.

Arestado at nahaharap sa kasong paglabag ng Anti-Violence Against Women and Children (RA 9262) at RA 9995 si Jayson Gacer, 27, ng Dau, Mabalacat, Pampanga.

Si Gacer ay dinampot ng arresting team sa isang shopping mall sa San Miguel, Tarlac City, nitong Miyerkules ng umaga.

Sa ulat ni PO3 Jonnalyn Tolentino, naka-live in at nagkaroon ng dalawang anak ang suspek sa 20-anyos na biktima, ng Concepcion, Tarlac.

Sinabi ng complainant na hindi masuportahan ni Gacer ang kanilang anak hanggang sa maghiwalay na sila.

Nagbanta umano ang suspek sa ginang na ipo-post nito sa social media ang mga hubad na larawan nito kapag hindi nakipagkita at nakipagtalik sa kanya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.