Negosyanteng wanted, tiklo

Balita - - News - Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija - Dinakma ng mga awtoridad ang isang babaeng negosyante na wanted dahil sa patung-patong na kaso ng estafa sa Barangay Sibul, Talavera, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng gabi.

Nakilala ng Talavera Police ang suspek na si Juliefer Gonzales, 36, ng nasabing lugar.

Inaresto si Gonzales sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Frazierwin Viterbo, ng Guimba, Nueva Ecija Regiona Trial Court Branch 30, sa kasong estafa (26 counts).

Nakadetine na si Gonzales na nakatakdang ilipat sa Guimba Police station upang harapin ang kaso nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.