Balita

Parak, ama ng VM todas sa checkpoint

- Fer Taboy

Napatay ang isang miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) nang barilin ng umano’y ama ng isang vice mayor sa Lanao del Sur, sa isang checkpoint sa Cagayan de Oro City, nitong Biyernes.

Ayon kay Senior Supt. Nelson Aganon, Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) director, nakilala ang pulis na si SPO1 Serge Maceren, nakatala sa HPG sa nabanggit na lungsod.

Napaslang din ang suspek na si Abdulhalim Adilao, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ang suspek ay ama umano ni Butig, Lanao del Sur Vice Mayor Abunail Adilao.

Sa imbestigas­yon, nangyari ang insidente sa Masterson Avenue, Upper Carmen ng nasabing lungsod, nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Aganon, naharang ng mga tauhan ng HPG si Adilao sa isang checkpoint dahil sa kahinahina­lang nakakabit na plate number ng minamaneho­ng sasakyan nito.

Sa halip na makiusap sa mga awtoridad, bigla na lamang umanong binaril ni Adilao ang mga pulis.

Natamaan ng bala si Maceren at binawian ng buhay sa pinangyari­han ng krimen.

Napatay naman si Adilao matapos makipagbar­ilan sa kanya ang kasamahan ni Maceren na si SPO2 Lyndel Baltazar.

Sinabi pa ni Aganon na si Adilao ay nagmamay-ari umano ng gun store na nag-o-operate sa Pampanga at Marawi City, kaya mayroon itong matataas na kalibre ng armas.

Inaresto naman ng mga awtoridad ang asawa ni Adilao na si Joan Gomez, na kasama ng suspek nang mangyari ang krimen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines