Estudyante hinalay

Balita - - News - Light A. Nolasco

SAN CLEMENTE, Tarlac – Isang babaeng high school student ang humingi ng tulong upang mapanagot ang binatang kapitbahay na umano’y gumahasa sa kanya sa San Clemente, Tarlac, kamakailan.

Ayon kay SPO2 Crispina Maregmen, naghain ng reklamo ang 14-anyos na biktimang taga-Barangay Cacaoiten ng nasabing bayan, kaugnay ng panggagahasa umano sa kanya ni Reynan Miranda, 18, ng Bgy. Maasim, San Clemente, Tarlac.

Sinabi ng biktima na nangyari ang insidente sa Sitio Dueg, Bgy. Maasin, San Clemente, kamakailan.

Bago ang insidente, nagkita umano ang dalawa sa paaralan ng biktima at nagkayaan silang kumain.

Gayunman, nang magpahatid na sa bahay ang biktima ay idiniretso ito ng suspek sa kanilang bahay at doon umano hinalay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.