Pulis, sundalo inalerto vs Sparrow

Balita - - News - Beth Camia

Inalerto ni Pangulong Duterte ang militar at pulisya laban sa mga kalaban ng gobyerno, partikular na ang New People’s Army (NPA).

Ito ang naging reaksiyon ng Pangulo matapos siyang dumalo sa

closing ceremony ng Motorcycle Riding Course (MCRC) at Motorcycle Riding Safety Training (MRST) na isinagawa sa Rancho Palos Verdes sa Davao City.

Dapat, aniya, ay laging alerto ang mga ito at magbantay sa mga Sparrow o liquidation squad ng NPA.

Pinaalalahanan din niya ang mga miyembro ng militar at pulisya na bago aalis ng bahay ay kukunan muna nila ng litrato sa kanilang paligid o kahit sinong tao na parang nagmamasidmasid sa kanilang lugar.

"Kailangan laging naka-cocked and locked, laging handa kung may mga kalaban," paalala ng Pangulo.

Mahigpit din ang utos nito sa mga awtoridad na hindi kailangang sumuko sa lahat ng laban at mamatay nang may dignidad.

Aabot sa 218 na graduates ng Motorcycle Riding Course/Motorcycle Riding Safety Training mula sa PNP, AFP, BFP, BJMP, Davao City Central 911 at mga sibilyan na walang kaalaman sa safe and proper Motorcycle riding ang sumailalim sa training.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.