Anne, pangBest Actress sa ‘Aurora’

Balita - - Pangunahing pahina - Ni NORA V. CALDERON

FIRST time ni Anne Curtis at ng Pinoy Hollywood filmmaker na si Yam Laranas na magkatrabaho sa isang pelikula. Si Direk Yam ay kilala sa kanyang international movies na The Echo ni Iza Calzado at The Road nina Rhian Ramos at Alden Richards.

Kilala si Direk Yam na tahimik ang pelikula sa simula, pero ang manonood ang sisigaw pagdating ng mga eksenang hindi mo ineexpect na matatakot ka o mabibigla ka.

Bago ang mediacon, nakausap na namin sa lobby ng Novotel Manila si Direk Yam. Sinabi niyang November, 2017 pa pala siya nagsimulang maghanda sa paggawa ng movie na Aurora, na ang kabuuan ay kinuhanan sa Batanes Island. Mula sa barkong ginamit na lumubog at nangamatay ang mga sakay, hanggang sa twostorey house na itinayo nila at ginamit niAnne sa story.

Nag-stay daw muna si Direk Yam sa Batanes nang ilang linggo at nang final shoot na umabot siya roon ng thirty days, habang 16 days naman sa isla si Anne.

Sa character ni Leana, nahanap ni Direk Yam ang gusto niyang strong woman kay Anne, dahil may eksenang kailangan ng aktres na lumubog nang matagal sa ilalim ng dagat.

“Ayaw kong i-risk ang buhay ni Anne pero dahil isang swimmer siya, nawala ang takot ko,” kuwento pa ni Direk Yam. “Makikita ninyo sa movie kung gaano kahusay lumangoy ni Anne at kung gaano kahusay ang acting niya.”

Marami pang nai-share si Direk Yam tungkol sa movie na isa sa official entries sa 44th Metro Manila Film Festival simula sa December 25, Christmas Day.

Isa pa ay ang paggamit ng original music na likha ng awardwinning Swedish composer at songwriter na si Oscar Fogelstrom, na nakatrabaho ni Direk Yam sa movie nilang Abomination in 2015.

“He will score scenes in surprising and novel ways – always unexpected and unfailingly spot on.”

Trailer pa lamang ng movie,

makikita mo na kung gaano ito kaganda at kung gaano kahusay si Anne. Bukod sa gusto ni Direk Yam na ma-entertain ang mga manonood, lalo na ang mga mahihilig sa suspense-thriller-horror movies kapag festival, wish niya na si Anne ang manalong best actress sa awards night sa December 27.

“With all the biggest respect to the other actresses in the other entries, this is kinda with a big scope of a movie that there’s only one character that carries the entire film, from start to finish, isa lang, si Anne.”

Kasama rin ni Anne sa movie si Marco Gumabao at ang gumanap niyang eight-year old sister na si Rita, played by Phoebe Villamor.

Produced by Viva Films and Aliud Entertainment, binigyan na ito ng Parental Guidance (PG) classification ng MTRCB.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.