Coco, ‘di nakakalimot

Balita - - Pangunahing pahina - Reggee Bonoan

TIYAK na matutuwa si Joy Cancio kay Coco Martin dahil binanggit kamakailan ng aktor na napasama siya sa afternoon series ng Sexbomb Dancers na Daisy Siete

noong nasa GMA 7 pa lang siya.

Napag-usapan kasi na ang isa sa pinakamahihirap na eksenang ginawa ni Coco sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles ay sumali siya sa “Mr. Pogi” ng Eat Bulaga.

Totoong nangyari raw iyon sa aktor noong nagpo-promote siya ng indie films at Daisy Siete.

“Nu’ng sinu-shoot po namin talaga sabi ko, siguro lagpas yata ng 10 takes ako do’n. Nu’ng papakilala pa lang ako, and then, after that, siyempre, may rehearsal pa, sasayaw ako, magra-rap ako. Kumbaga, ’yung nerbyos, pakiramdam ko, totoo siyang ano, totoo akong sumali ng Eat Bulaga,” kuwento ni Coco.

“Tapos po, nu’ng nandu’n ako, ’yun, parang bumabalik lang po sa akin. And then, nu’ng ginagawa na namin ’yun, nu’ng sinu-shoot na namin ’yun, eh, talagang parang totoong live na live po naming ginagawa. ’Yung nerbyos po, parang totoong-totoong contest po.

“Kaya nu’ng nandoon ako, nakailang take ako. Tapos, honestly, hindi ko siya matapus-tapos, hindi ko matapus-tapos ang eksena ko, pero ’yun, finally. Pinagtiyagaan po ako ni Direk Mike (Tuviera)

kaya naano (natapos) po namin. Kaya, sabi ko nga, kung merong pinaka-memorable sa akin sa buong pelikula, ’yun po, sumali po ako sa Eat Bulaga.”

Kamakailan kasi ay nakatsikahan namin over dinner si Joy at nabanggit niyang masayangmasaya siya ngayon para kay Coco dahil ang ganda ng ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano ng aktor, at ang dami nitong natutulungang tao bukod pa sa mga dating artista na gustong mahanapbuhay.

“Ibinabalik ni Coco sa tao ‘yung mga naibigay ding tulong sa kanya noon,” saad ni Joy.

Totoo naman, dahil pawang indie films ang ginagawa noon ni Coco at wala siyang regular show. Kaya kinuha siya ni Joy sa DS (Daisy Siete) Episode 15 na may titulong “Isla Chikita” bilang leading man ni Rochelle Pangilinan, with Arthur Solinap na asawa na ngayon ng dating Sexbomb dancer.

‘Yun lang, hindi pa yata nagkita sina Joy at Coco simula nang nawala na ang DS at nasa ABS-CBN na ang Primetime King ng ABS-CBN.

Anyway, mapapanood na ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles sa Disyembre 25 bilang entry ng APT Entertainment, MZet Productions at CCM Films Productions na idinirek ni Mike Tuviera.

Kasama sa pelikula sina Tirso Cruz III, Lito Lapid, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Arjo Atayde, Maine Mendoza, Ryza Cenon, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste, PJ Endrinal, Ronwaldo Martin, Mark Lapid, Chai Fonacier, Bassilyo, Smuglaz, at Vic Sotto.

Coco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.