Misis pineke ang kidnapping ng anak para subukin si mister

Balita - - Libangan -

Pineke umano ng isang ina sa China ang kidnapping ng kanyang 11-anyos na anak upang malaman kung mahal talaga sila ng kanyang asawa.

Naghain ng ‘fake missing persons report’ sa Yueqing City, ang 33-anyos nasi Chen at sinabi sa mga pulis na huli niyang nakita ang kanyang anak sa paaralan nito. Agad idineklarang top priority ang kaso at naglaan ng malaking grupo para sa paghahanap ng kanyang anak. Nakakuha ng matinding atensyon ang kidnapping na inihain ni Chen dahil sa 500,000 yuan ($72,000) na pabuya ng pamilya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng bata. Milyong beses ding nabasa ang artikulo tungkol sa pagkawala ng bata sa social media at naging usap-usapan sa weibo. Habang nag-aalala ang lahat, lumabas na ligtas naman ang 11-anyos na bata at nasa pangangalaga lamang ng isa nitong kamag-anak.

Matapos ang limang araw na operasyon, nakakuha ang mga pulis ng ebidensiya na nagsisinungaling lamang si Chen mula pa sa simula, matapos mabuking sa CCTV na pinalipat nito ang anak sa ibang sasakyan bago ito pumunta ng istasyon at maghain ng fake missing persons report.

Dahil sa pagsisinungaling, ikinulongatkinasuhan si Chen ng “creating and deliberately spreading false information”, ngunit ang nakakagulat pa, inamin umano ni Chen na pineke niya ang kidnapping ng sariling anak para subukin kung talagang mahal sila ng kanyang asawa.

“Everyone is happy that the child is safe, but this kind of family member must be seriously dealt with! This not only wastes everyone’s time and energy, it is emotionally exhausting and wastes national resources. This is over the top!” komento ng isang weibo user.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.