Mexican, kakasahan ni Servania

Balita - - Libangan - Gilbert Espeña

MULING kakasa si world ranked featherweight Genesis Servania ng Pilipinas sa isang Mexican boxer sa katauhan ni dating WBC Continental Americas bantamweight champion Mario Alberto Diaz sa Enero 12 sa Convention Center, Tucson, California sa United States.

Magsisilbing undercard ang laban nina Servania at Diaz sa pagdedepensa ng tumalo sa Pilipino sa puntos na si WBO featherweight champion Oscar Valdez laban sa Espanyol na si Andoni Gago.

Umaasa si Servania na bibigyan ng pagkakataon ng kanyang promoter na si Top Rank big boss Bob Arum ng rematch kay Valdez na napabagsak niya sa 4th round ng kanilang sagupaan noong Setyembre 22, 2017 sa Convention Center, Tucson, California rin kung kumbinsidong magwawagi kay Diaz.

Sa kanyang huling laban, pinatulog sa 3rd round ni Servania si one-time word title challenger Carlos Carlson na isa ring Mexican kaya kinatakutan na siya ng mga boksingero sa featherweight division.

May rekord si Servania na 32 panalo, 1 talo na may 15 pagwawagi sa knockouts samantalang si Diaz ay may kartadang 18-2-0 win-loss-draw na may 7 panalo sa knockouts.

Nakalista si Servania na No. 1 kay Valdez sa WBO rankings, No. 3 kay WBA featherweight champion Leo Santa Cruz ng Mexico at No. 5 kay IBF 126 pounds titlist Josh Warrington ng United Kingdom kaya malaki ang mawawala sa kanya kung matatalo kay Diaz.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.