PH Cricket team, wagi sa World qualifying

Balita - - Sport -

BAGO sa panlasa ng Pinoy, ngunit isang matamis na tagumpay ang hatid ng Team Philippines kontra Indonesia, 138-110, nitong Sabado para makopo ang T20 Cricket World Cup qualifier sa Emilio Aguinaldo College ground sa Dasmarinas, Cavite.

Nauna rito, tinalo ng South Korea ang second-placed Japan para mailagay ang Philippines sa matibay na posisyon na tampukan ang kauna-unahang major cricket event na ginanap sa bansa.

Binubuo ang Team Philippines ng mga players na may dugong Pinoy, at naturalized born foreigner.

Nakamit ng bansa ang slot para sa second level ng World Cup laban sa matitikas na Japan at South Korea. Sasabak ang koponan sa International Cricket Council (ICC) East Asia Pacific finals sa susunod na taon. Kung manalo, makalalaro ang Pilinas sa World Cup sa 2020 na gaganapin sa Australia.

Nanguna sa Philippines ang apat na dual-citizen Australian-Filipinos — Captain Jonathan Hill, Daniel Smith, Henry Tyler at Grant Russ — para masiguro ang panalo ng koponan.

“There is something special about this side,” sambit ni Hill. “We are a tightknit group who are immensely proud to play for and represent the Philippines. They never lose focus and when the going gets tough, they get going. It’s an honor to captain them, and to make history today.”

Pinasalamatan naman nila ang Pilipinas sa ibinigay na suporta sa koponan.

“We’ve been overwhelmed by the support,” pahayag ni Pekin.

“In many close games, their support was the difference between us winning and losing. It was like having an extra player on the field. I’m so pleased that we were able to win the Cup for them. It’s a proud day for the Philippines.”

”The Philippines dedicated their win to the former general manager of the Philippine Cricket Association Iain Sinclair who passed away in August.”

BUONG karangalan na ibinida ng Philippine Cricket team – binubuong mga may dugong Pinoy na expat – ang watawat ng bandila matapos magwagi sa Indonesia para makopo ang kampeonato sa World Cup Asian qualifying.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.