POC, nag-ala ‘Poncio Pilato’ sa isyu ng swimming

Balita - - Sport -

HUGAS kamay si Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas sa kasalukuyang gusot sa liderato ng Philippine Swimming Inc. (PSI.

Ayon sa POC chief ang pagkuwestiyon sa liderato ng kasalukuyang PSI president na si Lani Velasco ay isang isyu na dapat pag-usapan ng mga miyembro ng nasabing National Sports Association (NSA) at labas umano ang POC sa nasabing usapin.

“As far as the POC is concerned, these issues are intercorporate, so they have to work within the rules of their own association,” ayon kay Vargas.

Taliwas ang pahayag ni Vargas sa naunang desisyon ng POC na ilagay sa arbitration committee ang isyu para maresolba. Ang dating International Olympic Committee (IOC) representative to the Philippines na si Frank Elizalde ang ginawang head ng naturang committee na naglalayong dingin ang mga hinaing ng mga paksyon upang maglabas ng isang resolusyon.

Ngunit, kahit wala pang resolusyon ang arbitration committee, nagpatawag ng Congress meeting si Velasco at muling nagsagawa ng eleksiyon.

Ayon kay Velasco, naging observer nila sa nasabing National Congress si Jeffrey Leow na mismong pinadala ng AASF.

“It went well, 62 teams attended our Christmas Party out of the 87 teams registered,” pahayag ni Velasco.

Ngunit, iginiit ng mga Olympian at miyembro ng Board ng Philippine Amateur Swimming Association (PASA) na sina Eric Buhain, Ral Rosario at Akiko Thompson na hindi mga orihinal na Board member ang kasalukuyang nasa grupo ni Velasco sa Philippine Swimming Inc.

“Pekeng miyembro ang mga yun, paano masasabi ng POC na legal ang gingawa ni Velasco,” pahayag ni Rosario.

“All their questions are violations of the rules. It’s amongst themselves,” pahayag ni Vargas “Our only involvement is in terms of recognition. What we are trying to say is that the elections conducted were duly recognized by the IF (international federation) and the POC,” aniya.

Ayon kay Rosario, umaasa pa rin ang kanilang grupo na kikilalanin ng POC ang lahat ng stakeholder sa swimming at magpatawag ng eleksyon sa gabay ng Olympic body.

“I hope that then, it is proven that we are the rightful set of officers. I hope they (POC) will recognize us. The POC must act,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.