Balita

Ateneo, angat sa UAAP Jrs.

- Marivic Awitan

IPINOSTE ni Kai Sotto ang halos sa kalahati ng kabuuang produksiyo­n ng Ateneo de Manila sa kanilang 77-60 paggapi sa University of the Philippine­s kahapon sa UAAP Season 81 juniors’ basketball tournament sa Blue Eagle Gym.

Umiskor ang 7-foot-1 center ng kanyang career-best na 36 puntos bukod pa sa 11 rebounds, 3 assists at 3 steals para sa Blue Eaglets.

Gayunman, nais pa rin ni coach Reggie Varilla ng patuloy na improvemen­t sa laro ng kanilang team lalo na kay Sotto,na muntik na ring mag-double digit sa kanyang ginawang 9 na turnovers.

“With Kai kasi, basketball is easy for him. Sa ngayon, ang hinahanap na namin is yung continuous improvemen­t every game. He played well, but I think, same with the team, they could all play better,” ani Varilla.

Dahil sa panalo, umangat ang Blue Esglets ss markang 4-1, panalo-talo.

Namuno naman si Ralph Labao para sa Junior Maroons na nanatilibg winless sa loob ng limang laro sa ipinoste nyang 22 puntos, 3 rebounds at 2 assists.

Sa unang laban, ginulat ng De La Salle-Zobel, 67-62 ang Far Eastern University-Diliman.

Pinamunuan ni Ivan Cudiamat ang nasabing panalo ng Junior Archers sa iniskor nyang 23 puntos at 6 na rebounds.

Bunga nito, tumabla sila sa kanilang biktima sa ikatlong puwesto taglay ang markang 3-2 habang tumapos namang may tig-11-puntos sina Royce Alforque at RJ Abarriento­s para sa FEU-Diliman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines