Dato, muling sasabak sa Amerika

Balita - - Sport - Gilbert Espeña

Muling kakasa ang sumisikat na si Filipino featherweight John Leo Dato na nakatakdang sumagupa kay Mexican journeyman Guadalupe Arroyo bukas sa Industry Hills Expo Center sa La Puente, California sa United States.

May perpektong rekord na 7 panalo at 1 tabla, 5 pagwawagi sa pamamagitan ng knockouts, inaasahang magaang magwawagi si Dato kay Arroyo na galing sa apat na huling pagkatalo.

Pagkatapos ng laban kay Arroyo, nakatakdang sumagupa ni Dato kay dating United States Council bantamweight champion Andre Wilson sa Enero 11, 2019 sa Chumash Casino, Santa Ynez, California kaya lalong dumarami ang kanyang fans sa Amerika.

Umaasa si Dato na mapapalaban sa world ranked fighter sa lalong madaling pagkakataon para magkaroon ng tiyansa sa world title crack.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.