Inter-barangay chess sa Muntinlupa

Balita - - Sport -

SUSUGOD ang mga woodpushers sa Muntinlupa City sa pagtulak ng Muntinlupa Inter-Barangay Chess Team Tournament 2018, 1950 and below average team rating sa Disyembre 9 sa Diokno Pavillion Barangay Cupang sa Muntinlupa City.

Mismong sina Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioner Marc Red Mariñas at long-time chess supporter lawyer Vic Ulanday ang mangunguna sa pagsasagawa ng traditional ceremonial moves.

Inimbitahan din sa nasabing event sina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman/President Deputy Speaker Prospero "Butch" Arreza Pichay Jr. at Philippine Executive Chess Association (PECA) President lawyer Cliburn Anthony A. Orbe.

Ayon kay sportsman Vic Ulanday tampok ang mga koponan na mang gagaling sa Barangay Ayala Alabang, Tunasan, Poblacion, Putatan, Bayanan, Alabang, Cupang, Buli at Sucat.

Ginarantiya ang papremyo na tig P20,000, P10,000, P7,000, P5,000 at P4,000 cash prizes para sa top-5 team finishers. May nakalaan naman sa Individual board medallist mula board 1 hangang 4 na tig P1,000 habang ang category winners para sa top Elementary, High school at College team ay may maiuuwi na tig P2,000 at tropeo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.