Balita

14 patay sa bank robbery shootout

-

BRASILIA (Reuters) – Patay ang 14 na katao, kabilang ang anim na hostages, nitong Biyernes nang magkabakba­kan ang mga pulis at bank robbers na nagtangkan­g pasabugin ang ATM sa dalawang bangko sa hilaga-silangang bahagi ng Brazil.

Lima sa suspek, na hinihinala­ng mga miyembro ng gang, ang agad na napatay ng mga awtoridad habang dalawa pang miyembro ang namatay sa ospital.

Mula naman sa iisang pamilya ang limang hostage na namatay, kabilang ang dalawang edad 14 at 13.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines