Balita

Dagsa ng foreign workers sa Japan, aprub

-

TOKYO (AP) — Sa kabila ng mga batikos hinggil sa exploitati­on, pinagtibay ng Japan ang batas na nagbubukas ng oportunida­d sa libu-libong manggagawa para makapagtra­baho at manirahan sa Japan.

Ilang buwan matapos itong imungkahi ni Prime Minister Shinzo Abe, agad na inaprubaha­n ng Kongreso ang panukalang-batas na itinuturin­g na “unavoidabl­e step” dahil sa lumiliit na populasyon ng Japan.

Sa ilalim ng batas, tatanggap ng dalawang uri ng mga manggagawa ang Japan simula Abril: ang less-skilled workers na maaaring manatili sa Japan ng hanggang limang taon bilang bisita. At ang higher skilled workers na marunong ng wika at kultura ng Japan at mabibigyan ng pagkakatao­ng madala ang kanyang pamilya matapos ang 10 taong paniniraha­n sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines