Balita

2 Pinay, nagningnin­g sa Miss Supranatio­nal

- Ni ROBERT R. REQUINTINA

NAPABILANG sa Top 10 ng 10th Miss Supranatio­nal 2018 ang pambato ng Pilipinas na si Jehza Huellar, sa pageant na ginanap sa Poland nitong Biyernes ng gabi (Sabado ng madaling araw sa Pilipinas).

First runner up naman ang FilipinoAm­erican na si Katrina Jayne Dimaranan, na kinatawan ang Amerika.

Si Katrina ang pinili ng Amerika upang maging kinatawan ng bansa sa pageant, habang si Jehza ang itinanghal na Bb. Pilipinas Supranatio­nal noong Marso 18 bilang pambato ng mga Pinoy sa pageant.

Nasungkit din ni Katrina ang Best in Swimsuit, habang ang Miss Vietnam ang nanalo ng Best Preliminar­y Gown.

Bago sumali sa Miss Supranatio­nal, naging Bb. Pilipinas Tourism si Katrina noong 2012. Inaasahang isasali siya sa Miss Tourism Queen Internatio­nal 2012, pero nakansela ang pageant.

Nakabase na ngayon sa California, nag-aaral ngayon si Katrina management. Mapapanood siya sa bagong reality show na The People’s Queen, isang training boot camp para sa mga gustong maging beauty queen.

Si Valeria Velasquez, 24, ng Puerto Rico, ang kinoronaha­ng Miss Supranatio­nal 2018. Second runner-up ang pambato Poland, 3rd runner-up ang mula sa Indonesia, at 4th runner-up si Miss Mexico.

Pasok din sa Top 10 ang mga kandidata mula sa Romania, Brazil Indonesia, Poland, at Vietnam Si dating Miss Supranatio­nal 2013

Mutya Johanna Datul ng Pilipinas ang isa sa mga judge sa finals. Siya ang kauna-unahang Miss Supranatio­nal title holder mula sa Asya at sa Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines