Balita

Pinakamasa­yang family picture, ipinost ni Jolo

- Ni NITZ MIRALLES

SA latest picture na ipinost ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa Instagram ay makikitang kumpleto ang Revilla family, kasama si former Senator Ramon Revilla, Sr., at siyempre, ang ama niyang si dating Senador Bong

Revilla.

“Ibang-iba talaga ang pakiramdam na buo ang pamilya at magkakasam­a. Maraming salamat dahil kapiling na namin si Papa. Walang pagsidlan ang aming kasiyahan! #TeamRevill­a.”

Ang positive ng post ni Jolo, pero hindi maiwasang may mga nega comments pa rin na pumasok sa nasabing account ni Jolo.

In fairness kay Jolo, hindi niya dinelete ang comment na: “Pakasaya kayo Di Nyo Na Mabibilog Utak Ng Mga Pilipino Mga Best Actors.”

Saka, hindi na kailangang sagutin ni Jolo ang nega comments dahil may marami ang masaya at natutuwa sa “not guilty” verdict ng Sandiganba­yan kay Bong.

Mas marami ang nagpahayag ng suporta sa kanilang pamilya.

Pinawalang-sala nitong Biyernes ang dating senador sa kasong plunder kaugnay ng “pork barrel” scam, at nakauwi na ng bahay nitong Biyernes ng gabi, makalipas ang apat na taong pagkakakul­ong sa Camp Crame.

 ??  ?? Revilla Family
Revilla Family

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines