Balita

Jake Cuenca clean-living, young-looking

- Reggee Bonoan

MARAMING nanibago ngayon kay Jake Cuenca dahil young-looking siya sa edad niyang 31 years old sa Disyembre 30. Inakala ng mga sumusubayb­ay sa Los Bastardos sa ibang bansa na magkakaeda­d lang sila nina

Albie Casino, Diego Loyzaga, Joshua Colet, at Marco Gumabao.

Tinatanong kami kung nagpa-botox ang aktor dahil bumatang tingnan kung ikukumpara sa pagganap niya sa katatapos na Blood Sisters kasama si Erich Gonzales. Isama

pa ang Ikaw Lang Ang Iibigin nila nina Gerald

Anderson at Kim Chiu.

Sakto naman na nakita naming nag-post ng litrato nitong Sabado nang madaling araw ang manager niyang si Neil De Guia, na magkasama silang nag-dinner kaya tinanong namin kung anong ginawa ni Jake sa mukha niya.

“Wala. Pumayat, ‘di ba? Nagpa-fresh. ‘Di na nagyoyosi at early matulog, dahil bigla naging sports echos si moking,” sagot sa amin ni Neil.

Nakakatand­a talaga ang paninigari­lyo, pero kailan pa humintong magyosi si Jake.

“Tagal na, mag-one year na ‘ata,” kaswal na sabi ng manager ng aktor.

Hindi na rin daw gumigimik si Jake, hindi tulad dati na halos laman siya ng bars gabigabi.

“Oo, hindi na palagimik, kapag kailangan na lang. Mula noong nahilig sa sports, natutong maging health conscious,” kuwento pa sa amin.

“Plinano n’ya (Jake) ‘yan, nagpa longhair dati, then sabay paganda katawan para magmukhang young.”

Sino ang nag-impluwensi­ya sa aktor? “Wala, basta bigla na lang. Alam mo naman ‘yun pag gusto niya, gagawin niya.”

Inalam din namin kung sino ang inspirasyo­n ngayon ni Jake.

“Walang GF. Minsan model ang idine-date, mga foreign models,” pambubukin­g sa amin ng manager ng aktor.

 ??  ?? Jake
Jake

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines