Balita

Titulo, trailer at release date ng ‘Avengers 4’, naka-set na!

-

SA wakas ay mayroon nang titulo ang ikaapat na installmen­t ng Avengers movie. Inihayag ng Marvel Studios at ng Walt Disney Co. nitong Biyernes na ang titulo ng huli ngunit pinakainaa­bangang pagtatapos ng

Infinity War saga, ang Avengers: Endgame.

Naglabas din ang studios ng unang trailer para sa pelikula, kung saan ipinaliwan­ag ni Scarlett Johansson, ang gumaganap sa karakter ni Black Widow, na talagang binura ni Thanos ang kalahati ng populasyon. Nagtapos ang Avengers: Infinity War sa biglang pagkawala nang parang bula ng mga Marvel superhero.

Ang naturang pelikula ang tinagurian­g highest grossing film sa Marvel Cinematic Universe sa mahigit $2 billion ticket sales.

Idinirehe nina Anthony Russo at Joe

Russo, ang Avengers: Endgame ay ipalalabas sa North American theaters a week earlier sa Abril 26, 2019.

 ??  ?? Eksena sa ‘Avengers 4
Eksena sa ‘Avengers 4

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines