Balita

Kamandag

- R.V. VILLANUEVA

Ika-114 na labas

SA imahinasyo­n ay nakikita ni Nena na nasa kanyang bubungan lang si Nenamia o Mia at makapangya­rihang nag-uutos sa mga alaga niyang dambuhalan­g mga aso sa gubat; mga pusang ala tigre; mga dambuhalan­g dambuhalan­g samotsarin­g wild birds.

“Sige, sindakin ninyo si Nena. Patayin ninyo sa takot ang babaeng ‘yan!”

Gumanto rin ng sigaw si Nena; Sa kanyang basad na boses, sinabi niya: “Kakampi ko ang Diyos...hayupita kang babae ka!”

“Wala akong sino mang kinatataku­tan!” Mala-kulog na sagot sa kanya ng babae. “Kung inaaalagaa­n ka man ng Panginoon mo, gagawa ako ng paraan. HIdni mo ako madaraig, Babae ka!”

Hindi na kumibo si Nena pero inihanda niya ang kanyang sarili. Hindi na niya inilakas ang kanyang dasal.

“Mahal na Poong Hesus. Alam kong higit ang kapangyari­han Mo sa lahat ng kapangyari­han sa mundo. Sa oras pong ito ng kagipitan, ipinauubay­a ko na po sa Iyo ang aking sarili. Alam ko po, hindi Ninyo ako pababayaan, Kupkupin Mo po ako,Panginoon!”

Lalong lumalakas ang hunihan, ang kahulan, ang ngiyawan ng mga dambuhalan­g lahat ay nasa bubong. Kung tingnan ni Nena ang kanilang bubong waring babagsak na iyon.

“Kung ito nap o ang wakas ko, Diyos ko, tanggapin Mo po ako sa Kaharian Mo ang aking kaluluwa.”

bigalang tumigil ang ingay. Dininig ba ng Diyos ang dasal? Sana nga po...sana nga po.

Pero hindi nagtagal, nakarinig si Nena ng mga katok sa pintuan. Baka si Fermin. Di ba isinusi niya sa dakong loob ng pinto?

“Ikaw na ba ‘yan, Fermin?” Walang sagot. Sa halip, patuloy ang hindi naman malakas na mga katok.

“Ikaw ba ‘yan, Fermin. Sumagot ka, please...”

Hagikgik o nang-uuyam na tawa ang sagot: “Hindi, lukaluka!”

“Diyos kop o! Ang gagang babae. Ano po ang gagawin ko?”

Sumisigaw na ang babae sa labas: “Buksan mo ang pintong ito!”

Hindi kumibo si Nena. Nakiramdam siya. Alam niya, kahit hindi buksan, kayang pumasok ng babaeng ito.

“Bubuksan mo ba ito o wawasakin ko?”

Bigla, naisip ni Nena, may panlaban nga pala siya. Katabi nga lamang ang agua bendita at suot pa niya ang kuwintas.

Umulit ang katok. Higit na malakas. Higit na mariin.

Dinampot ni Nena ang lalagyan ng agua bendidata. Nagsalin siya sa baso. Kailangang tipirin niya ang tubig. Baka tumagal ang laban.

Umulit ang mga katok. Yumayanig na ang pinto. “Nariyan na ako!” Huminto ang katok. Maingat na lumapit si Nena sa pinto. Hindi niya binuksan ang pinto. Naghintay lang siya.

Nang umulit ang mga kataok, isinaboy ni Nena sa mga siwang ng pinto ang agua bendita. tulad ng inasahan, sumiyok ang pintong nilusutan ng tubig.

“Impiyerno kang babae ka!” Daing ng babae sa likod ng pinto. “Talagang hinahamon mo ‘ko. Hindi pa tayo taps!” Ang ilang salita ni Mia ay malayo na. Ibig sabihin, tumakbo o lumayong mabilis ang babaeng iyon.

Lumakas na ng husto ang loob ni Nena. Taglay ang sisidlan ng agua bendita at baso, lumabas siya ng bahay. Lahat ng kanyang abutin saboy ng tubig sa kanilang bubong, sinabuyan niya. Umuungol, umiiyak, nagngunguy­ngoy, nagtakbuha­ng lahat ang mga dambuhala sa bubong. LINGID SA KAALAMAN NI NENA, NAUUBOS ANG AGUA BENDITA!

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines