Balita

GILAS!

Team Philippine­s-Davao at Palawan, arangkada sa 10th BIMP-EAGA

-

BRUNEI— Tuloy ang ratsada ng Davao swimming team, habang ipinamalas ng Palawan ang matibay na programa sa athletics sa impresibon­g panalo sa ikalawang araw ng kompetisyo­n nitong Sabado sa 10th Brunei-IndonesiaM­alaysia-Philippine­s-Northern TerritoryE­ast Asia Growth Area (BIMPNT-EAGA) Friendship Games sa Hassanal Bolkiah National Stadium here.

Tinanghal na unang Pinoy double gold medalist si Fritz Jun Rodriguez nang pagbidahan ang Davao sa dominanten­g panalo sa 100 meter breast stroke sa tyempong 1:09.59. Nauna nang nadomina ng 17-anyos at ngayo’y recruit ng San Beda College ang 50-meter breast sa pagsisimul­a ng swimming event nitong Biyernes.

Hindi naman matatawara­n ang hataw ni Eirron Seth Vibar sa 200 meter butterfly sa tyempong 2:16. Naidagdag ng Grade 10 student mula sa Apo Learning Village sa Davao City ang panalo sa naunang dalawang silver na naiuwi sa opening day.

Sa ikalawang araw ng kompetisyo­n, tangan ng Davao splashers ang limang gintong medalya.

Agaw-pansin naman ang Palawan sa biennial event na naglalayon­g palakasin at paigtingin ang magandang relasyon sa ekonomiya at politika. Sa pamamagita­n ng sports sa mga bansang kalahok.

Kapwa sinungkit nina Jessel Lumapas at John Lloyd Cabalo, magkababar­yo sa San Vicente, Palawan, ang gintong medalya sa women’s at men’s 400 meters.

Nailista ni Lumapas ang winning time na 57.47 segundo, habang nakatawid sa finish line si Cabalo sa tyempong 50.14 segundo.

Sa darating na pasukan, kapwa bahagi ng National University scholarshi­p program sina Lumapas at Cabalo.

Nakamit din ni Lumapas ang silver medal sa century dash sa tiyempong 12.65. Nagwagi rito si Chelsea Cassioppea Evalib ng Sabah sa pinakamabi­lis na oras na 12.35.

Nakumpleto ng Sabah ang sprint double nang gapiin ni Desmon Wong Tzyy Luen si Eveans Oteng ng Northern Territory sa oras na 11:28. Naisumite ni Oteng ang 11:35.

Suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, gayundin ng pamahalaan­g pambayan ng Davao at Palawan at Mindanao Developmen­t Authority ang partisipas­yon ng may 100 atleta at supporting personnel dito. Si Commission­er Charles Raymond Maxey ang Chief of Mission.

 ?? PSC PHOTOS ?? NANGUNA si Fritz Jun Rodriguez sa 50-m at 100meter breast stroke event sa swimming competitio­n, habang ibinida nina Jessel Lumapas at John Lloyd Cabalo ng Palawan ang gintong medalya sa athletics event ng BIMPNTEAGA Friendship Games kahapon sa Brunei.
PSC PHOTOS NANGUNA si Fritz Jun Rodriguez sa 50-m at 100meter breast stroke event sa swimming competitio­n, habang ibinida nina Jessel Lumapas at John Lloyd Cabalo ng Palawan ang gintong medalya sa athletics event ng BIMPNTEAGA Friendship Games kahapon sa Brunei.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines