Balita

Gagaan o bibigat pa?

- Bert de Guzman

GAGAAN ba o lalong bibigat ang pasanin sa buhay ng mga Pilipino? That’s the question, wika nga ni Shakespear­e sa dulang “To be or not To be?”. Sumulpot ang ganitong katanungan (o pangamba) matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng gabinete noong gabi ng Martes

(Dis. 4) ang rekomendas­yon ng economic managers na ituloy ang pagpapataw ng buwis o fuel excise tax sa Enero 2019.

Samakatuwi­d, Bagong Taon, bagong buwis sa produktong petrolyo. Kinumpirma ni Budget Sec. Benjamin Diokno ang desisyon ni PRRD matapos makipagpul­ong sa mga kasapi ng gabinete, tinalakay ang naunang plano na suspendihi­n ang excise tax sa diesel at gasolina upang mapigilan ang inflation bunsod ng sunud-sunod na pagtaas ng crude oil noon sa world market.

Si Diokno ay kabilang sa economic team o eksperto sa ekonomiya ni Mano Digong na nagrekomen­da sa pagpapatul­oy sa Enero 2019 ng fuel excise tax.

Kung natatandaa­n pa ninyo, ito ring si Diokno na noon ay kritiko ng administra­syon ni ex-Pres. Noynoy Aquino, ang walang lubay sa pagbatikos kapag nagpaplano ang economic managers ng binatang Pangulo na magtaas ng buwis.

Kabilang sa mga eksperto sa ekonomiya at pananalapi noon sina Sec. Butch Abad, Sec, Cesar Purisima, at iba pa. Ngayon heto si Sec. Diokno na kasama ng grupo ng mga bihasa sa ekonomiya at pananalapi ng Duterte administra­tion, na nagsusulon­g sa pagpapataw ng buwis sa fuel na tiyak na ang tatamaan ay milyun-milyong karaniwang mamamayan.

Gayunman, hangarin ng

mga Pinoy na sana ay nasa tamang direksiyon ang rekomendas­yon ng economic team ni PDu30 at nasa tamang landas din ang desisyon ng ating Pangulo. Malaking buwis ang malilikom ng gobyerno mula sa implementa­syon ng ikalawang yugto ng TRAIN law na magagamit sa pagpopondo sa ambisyong Build, Build, Build Program. Bilyun-bilyong pisong buwis.

Umaasa ang ating mga kababayan na hindi magreresul­ta ang TRAIN law 2 ng panibagong inflation o pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo na ang magpapasan ay sina Juan dela Cruz, Pedro Pasang-Hirap at Mariang Tindera.

Makapal na ang kalyo sa balikat at kamay ng taumbayan sa paghahanap-buhay upang makaraos ng tatlong beses na pagkain sa maghapon. Sa hanay ng mayayaman, kahit sumikad hanggang papawirin ang presyo ng gasolina, diesel, kerosene, bilihin at serbisyo, hindi sila masyadong apektado dahil libre ang kanilang gasolina at marami silang pera.

Sana nga ay magpatuloy ang pagbagsak ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pamilihang pandaigdig, hindi na mag-away ang mga bansa sa Gitnang Silangan, at hindi mabawasan ang oil production ng mga bansang sagana sa langis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines