Balita

Bonggang prizes, highlight sa lipat-bahay ng ‘EB’ Dabarkads

- Ni NORA V. CALDERON

PASABOG talaga ang naging paglipat ng Eat Bulaga Dabarkads sa kanilang sariling bahay matapos ang halos 40 taon, sa APT Studios sa Marcos Highway, Cainta City, nitong Sabado.

Unang nakakuha ng napakagand­ang regalo mula sa TVJ (Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon), ang sugod-bahay winner ng “Juan For All All For Juan” na si Ate Josephine ng Barangay Balagtas, Tanza, Cavite, walang asawa at may tatlong anak. Matapos niyang tanggapin ang mga regular na napapanalu­nan arawaraw ng contestant­s, nagtanong si Bossing Vic kung ano ang Christmas gift na gustong matanggap ni Ate Josephine.

“Bahay po”, medyo nahihiyang sagot ni Ate Josephine. Kasi, nangungupa­han lamang sila sa isang kuwarto na naroon na ang lahat at 500 pesos ang renta nila buwan-buwan.

Sinabi ni Bossing Vic na tatanggap siya ng bahay, ayaw maniwala ni Ate Josephine pero nang sabihin ni Tito Sen na tatanggap siya ng isang house and lot mula sa Lumina Homes, hindi na makapaniwa­la si Ate Josephine, at napaiyak na lang ito sa tuwa. Dinugtunga­n pa ito ni Bossing at sinabing tatanggap din siya ng appliances mula sa Hanabishi at fullyfurni­shed na ang bahay dahil pinuno na ito ng All Home ng mga furnitures na kailangan nila. Hindi pa rin makapaniwa­la si Ate Josephine hanggang sa sabihin ni Bossing na magligpit na sila ng mga gamit dahil lilipat na sila sa bagong bahay nila.

Si Ryan Agoncillo ang namahala sa paglilipat ng bagong bahay ni Ate Josephine at pagdating nila sa bahay, naroon na ang representa­tive ng Lumina Homes na siyang nagbigay ng susi ng bahay kay Josephine.

Sa studio naman, may special performanc­es ang mga Dabarkads, na pinangunah­an nina Alden

Richards at Maine Mendoza, ng The Broadway Boys, ladies of Eat Bulaga, at ng TVJ. Nag-perform naman ang JoWaPao sa barangay na kanilang pinuntahan.

Ang pangako namang malaking premyo sa Prizes All The Way Segment ay nabunot ng studio audience na si Letlet (Lito). Nakatangga­p siya ng mga cash prizes at goods mula sa iba’t ibang sponsors. Limang malalaking prizes ang puwedeng matanggap ng mapipiling audience sa laro. Hawak ni Pauleen Luna ang isang gadget showcase, kay Maine ang office t school supplies showcase, kay Alden ang noche buena package worth 25 thousand pesos, kay Ruby

Rodriguez ang 30 thousand cash, at kay Ryzza Mae Dizon ang house and lot mula sa Bria Homes na fully furnished.

Makukuha lamang ng audience ang alinman sa mga premyong ito kung mapipili niya ang tamang susi para sa mga correspond­ing prizes. Sad to say, walang nabuksan kahit isa sa mga prizes si Letlet sa loob ng isang minuto. Pero tumanggap naman siya ng isang 32-inch LED TV mula sa Eat Bulaga at 5,000 cash mula kay Bossing Vic, pampanood ng Jack Em Popoy: The

Puliscredi­bles na showing na simula sa December 25.

 ??  ?? ’EB’ Dabarkads
’EB’ Dabarkads

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines