Pascua, kumasa sa Asian Continental Chess
NAITALA ni Filipino International Master Haridas Pascua ang ika-3 sunod na tabla kontra kay Grandmaster Abhimanyu Puranik (Elo 2544) ng India sa third round ng 17th Asian Continental Chess Championships (2nd Manny Pacquiao Cup) kahapon sa Tiara Oriental Hotel sa Makati.
Ninais ni GM Puranik na manalo, subalit napuwersa sa tabla ang kampanya kay Pascua sa torneo na itinataguyod ni Sen. Pacquiao at ng Philippine Sports commisioners.
Ang Mangatarem, Pangasinan native na si Pascua na kasalukuyang naka base sa Baguio City ay unang nakipag draw kontra kay Grandmaster Vidit Santosh Gujrathi (elo 2701) ng India sa first round Lunes at kay International Master Novendra Priasmoro (elo 2483) ng Indonesia sa second round Martes.
“Buti nakuha sa pilit na makatabla pa ako sa laro,” sabi ni Pascua na kinakailangan niyang mapataas ang Elo rating 2442 tungo sa 2500 para makumpleto ang kanyang GM title status.
Makakalaban ni Pascua si International Master Nodirbek Yakubboev (elo 2556) ng Uzbekistan sa fourth round Biyernes ng gabi.
Ang Filipino GM elect na si Pascua ay may tangan na 1.5 puntos, sapat para makisalo sa 24th hanggang 42nd place kasama ang kanyang mga kababayan na sina GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. IMs Jan Emmanuel Garcia at Ricardo de Guzman, FM Mari Joseph Turqueza at Michael Concio Jr.
NabigonamansiIMPauloBersamina (elo 2244) na nalasap ang ika-2 sunod na pagkatalo kay GM Amin Tabatabael (elo 2587) ng Iran sa Round 3.
AngPasayCitypridenasi Bersamina na nakatutok sa kanyang third at final GM norm ay malakas na binuksan kampanya sa pag giba kay GM Le Quang Liem (elo 2714) ng Vietnam sa Round 1 subalit kinapos kay GM Nodirbek Abdusattorov (elo 2546) ng Uzbekistan sa Round 2.
Makakatapat ni Bersamina ang kababayang at newly-installed IM Daniel Quizon (elo 2314) sa Round 4.
Matapos matalo kay GM Alireza Firouzja (elo 2607) ng Iran sa Round 1 ay nakabalik sa kontensiyon si IM Roderick Nava (elo 2392) matapos ang magkasunod na panalo kina Randolph Schain (elo 2229) ng Cambodia sa Round 2 at IM Novendra Priasmoro (elo 2483) ng Indonesia sa Round 3.
Nakalikom na ang Carmona, Cavite ace Nava ng 2 points tungo sa pag akyat sa 13th hanggang 23rd place.
Tinalo naman ni 21st seed GM M. R. Lalith Babu (elo 2529) ng India si 16th seed IM Nodirbek Yakubboev (elo 2556) ng Uzbekistan para makisalo sa liderato kasama ang 11 pang manlalaro na may tig 2.5 points sa three outings.
Sa womens’ side ay tabla si Woman Fide Master Allaney Jia G. Doroy (elo 1972) kay Woman Fide Master Li Yunshan (elo 2196) ng China tungo sa 1.5 points at pagsalo sa 16th hanggang 22nd place matapos ang three games of play.
Nakipaghatian din ng puntos si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna (elo 2228) sa kababayan na si Woman Fide Master Cherry Ann Mejia (elo 1980) tungo sa total 1 point.
Ang top five sa men’s ay uusad sa World Cup habang ang magkakampeon sa women side ay aabante sa Women’s World Championship tournament.
Nagpakitang gilas din si New Zealand based Jun Isaac (elo 1894), isa sa oldest sa mga participants na nasa edad na 75 ay patuloy pa ding naglalaro dahil sa pagmamahal ng larong chess ay nauwi sa draw ang laban niya kay National Master Eduardo Estrella (elo 2039). Si Jun ay nakatatandang kapatid ni ex PBA player Leo Isaac an may 1.5 points sa challenger section.