Balita

Vilma, ipinagtang­gol si Jessy sa bashers

- Ni NITZ MIRALLES

AMINADO si Vilma Santos na naiinip na siya sa paghihinta­y kung kailan lalagay sa tahimik ang anak niyang si Luis Manzano at girlfriend nitong si Jessy Mendiola. Nagpahayag pa mandin ang actresspol­itician na boto siya kay Jessy para maging future daughter-in-law niya. Naniniwala rin ang congressma­n ng Lipa City, Batangas na nasa hustong edad na sina Luis, 37, at Jessy, 26, upang magpakasal. Sa phone patch interview kay ate Vi nitong Martes sa Magandang Buhay with Jessy as celebrity guest, aniya, “Siyempre naiinip na rin ako dahil ang feeling ko, kung ‘yun ay para sa kanilang dalawa, sana ay go na.

“Pero at the end of the day, uulitin ko lang, ang huling magdedesis­yon, silang dalawa, kasi silang dalawa ang magsasama.

“Pero kung sila naman, sana matuloy na.” Matamis ang pagkakangi­ti ni Jessy habang nakikinig sa positive feedback sa kanya ng ina ng nobyong si Luis.

Nabanggit kasi ni Vilma na saksi siya kung paanong magmahalan ang couple.

“Every time they are here with me, sa lahat ng kalokohan ng anak ko, ang unang-unang tumatawa, si Jessy.

“Kapag magkasama sila, cool lang naman si Jessy. She has a very charming personalit­y.

“So, siguro kahit paano nagsu-swak ‘yung character nilang dalawa ng anak kong si Lucky.”

Natutuwa raw si Vilma na makitang kayang sakyan ni Jessy ang mga kalokohan ng anak. Patuloy ng actress-politician, “Kasi si Lucky, let’s face it, ilang taon na rin ang anak ko, 37. Jessy is 26. So, mayroon silang age gap.

“So, siguro ‘yung age na ‘yun, ‘yung in between ay nagko-compliment sila sa isa’t isa. So I think doon silang dalawa nagki-click.”

Sa parte ni Jessy, nagpasalam­at siya kay Vilma dahil parang “anak” na rin ang turing nito sa kanya.

Tulad ng endearment ni Luis sa ina, “Momski” na rin ang tawag ni Jessy sa kongresist­a. Sabi ni Jessy, “Momski, thank you po sa pagmamahal.

“Tuwing nandiyan ako sa inyo ay palagi niyo akong niyayakap at palagi niyo akong sinasabiha­n ng advice. Thank you lang po.

“Sobrang bait niyo lang po. I hope to see you very soon. Miss ka na po namin. I love you Momski!”

Hindi napigilan ni Jessy na maluha nang ipagtanggo­l siya ni Vilma laban sa mga taong hindi siya gusto. “Sometimes mahirap tayong ma-good shot sa tao dahil lang sa nakikita natin,” sabi ni Vilma, na tila aminado sa pambabatik­os na natatamasa ni Jessy sa social media. Patuloy ng Star For All Seasons, “Pero ang importante, dapat kilalanin n’yo muna ang tao.

“At pag sinuportah­an niyo si Jessy, tandaan niyo, sasabihin ko, hindi kayo magsisisi,” pahayag pa ni ate Vi.

 ??  ??
 ??  ?? Vilma
Vilma

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines