Balita

Julia, ‘di totoong buntis

- Ni REGGEE BONOAN Julia

ALIW din ang netizens dahil kapag wala ng shows o hindi masyadong aktibo ang artista sa telebisyon ay pumapasok kaagad sa isipan nila na buntis ito.

Perfect example si Julia Montes

na kasalukuya­ng nasa Germany para dalawin at makasama ang biological dad niyang si Martin Schnittka na nakilala niya personally two years ago.

Base sa caption ni Julia sa ipinost niyang litrato kasama ang daddy Martin niya sa IG, “The sweetest Man I know. And I’m proud to be his daughter. Totoo pala ang kasabihan na sinasabi ng iba na “Gusto ko makahanap katulad ng Tatay ko”. This year I got a chance to know him better. He may look na brusko, and nakakatako­t but he’s so sweet and loving observant pa. Sa grocery he saw me looking sa nutella nagdadalaw­ang isip ako kumuha.

The next day meron na sa breakfast Table. My sweetest Papa. My Gentle Giant #JMyway.”

Naka-chat namin ang manager ni Julia na si

Erickson Raymundo na ngayong madaling araw ang dating niya sa Pilipinas galing Bangkok, Thailand, dahil sinuportah­an niya ang nanalong 2018 Miss Universe na si Catriona Gray.

Tinanong namin kung aware siya sa tsikang buntis si Julia.

Ayon kay Erickson, “may nagsabi nga sa akin a month ago.”

Obviously, hindi totoo ang bali-balita dahil sa pagkakaala­m namin ay may upcoming teleserye si Julia pagkatapos ng afternoon serye niyang Asintado kasama si Shaina Magdayao na nagtapos noong Oktubre 2018.

“Hindi!” ito rin ang sagot ng handler ng aktres na si Mac Merla sa tsikang buntis siya.

Kuwento pa ni Mac, “Nagkita lang sila ng papa n’ya. Matagal na niya napaalam ang bakasyon na ‘yan. Mga six months ago

na. Gusto nya makita dad n’ya and magspend time sa mga kapatid n’ya sa Germany.”

Dahil matatagala­n na naman ang pagkikita ng mag-ama kapag nagsimula na ulit gumawa ng teleserye si Julia ay nilubus-lubos na niya ang pagbabakas­yon doon dahil sa Enero pa siya babalik sa bansa.

Ayon kay Mac, “Baka January na. Gusto n’ya doon mag-Christmas and New Year. Regarding teleserye meeting pa kami with ABS next year for concepts. "Anyway, may advocacy film na natapos sina Julia at Kean Cirpriano na may titulong Hilom. Narito ang caption ng aktres sa poster ng pelikula “Nung shino-shoot ko ito pinagdasal ko tlga na sana sa Pilipinas matutukan din ang marami pang bagay gaya ng HEALTH. Dahil marami tayong mga kababayan sa bansa na dala ng ating mahirap na ekonomiya ay nanghihina­yang sa pera na gagastusin sa pagpapatin­gin sa normal checkup kaya kahit may iniinda ay titiisin nalamang dahil may paggagamit­an pa sa pera na dapat sa gamot at check up Kaya saludo ako sa mga Tao na bumubuo at tumutulong para maging possible ang mga libreng checkup sa mga komunidad para sa ating mga kababayan dahil ndi lng panahon ang kanilang ginugugol kundi ang PUSO at Determinas­yon na makatulong sa ating mga kababayan “HILOM (Doctors to the Barrio) an advocacy film for Department of Health and tribute to doctors who go out their way to help our fellow Filipinos from the barrio. “Sobrang sarap sa pakiramdam na mapasama sa proyektong ito at makatrabah­o ang Award winning director Brillante Mendoza. At maka-trabaho sila Kean Cipriano at Tita Ruby Ruiz at marami pang iba. Soon ipapalabas sa mga health centers nationwide para sa community awareness.”

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines