Balita

Mahigit 400K manggagawa, regular na—DoLE

- Leslie Ann G. Aquino

Mas marami nang manggagawa ang nire-regular ng kanilang mga employer dulot ng kampanya ng pamahalaan laban sa end of contract.

Sa ulat ni Labor Secretary Silvestre Bello III, hanggang nitong Disyembre 3 ay nasa 411,449 na manggagawa ang na-regular kabilang ang 11,600 manggagawa ng SM.

“I know it is still low, percentage wise, considerin­g the number of contractua­l workers in the country,” pahayag niya, kasabay ng pagbabahag­i ng yearend report ng ahensiya.

“Never in history has that number been achieved,” pagmamalak­i pa ng Kalihim.

Ayon kay Bello, 35 porsiyento sa nabanggit na bilang ang na-regular bilang resulta ng paglalabas ng compliance order, habang 65% ang boluntaryo­ng ni-regular ng mga employer.

Ibinahagi rin ng DoLE Secretary ang plano ng mga miyembro ng Employers Confederat­ion of the Philippine­s (ECOP) na i-regular ang kanilang mga empleyado.

“ECOP said all its members will regularize all their employees. We are just waiting for their timeline,” aniya.

Inalok din umano ng Kalihim na tanggalin ang inspeksiyo­n ng kanilang mga miyembrong kumpanya, maliban na lamang kung mayroong maghain ng reklamo laban sa kanila.

Halos 137,000 establisye­mento sa buong bansa ang nainspeksi­yon ng ahensiya simula Agosto 2016 hanggang Hunyo ngayong taon, na sumasakop sa 9.4 milyong manggagawa.

Habang nasa mahigit 900,000 pa ang kailangang inspeksyun­in ng DoLE.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines