Balita

Parak, itinumba ng mga rebelde

- Calvin D. Cordova

Ibinulagta ang deputy chief ng Guihulngan City Police Station sa Negros Oriental, kahapon ng umaga.

Ilang tama ng bala sa katawan ang ikinasawi ni Senior Insp. Porferio Gabuya.

Ayon kay Chief Supt. Debol Sinas, inako ng Communist Party of the Philippine­s-New People’s Army (CPP-NPA) ang responsibi­lidad sa pag-atake.

“Members of the sparrow unit of the CPP-NPA could be behind the attack. In fact, our police in Negros have received text messages claiming that the attack was staged by the NPA. We are checking these reports for evaluation,” sabi ni Sinas.

Naganap ang pag-atake habang umiinom ng kape si Gabuya sa isang tindahan sa Barangay Poblacion, bandang 10:25 ng umaga.

Sumulpot ang dalawang lalaking sakay sa motorsiklo at paulit-ulit binaril ang pulis gamit ang M-16 rifles.

Isinugod ang biktima sa Guihulngan City Hospital, ngunit dead on arrival.

Tumakas ang mga suspek patungong La Libertad, pahayag ni Sinas.

Aniya, bago ang pag-atake, nakatangga­p ang Guihulngan police ng ulat na mayroong mga armado na dumating sa lugar.

Bilang aksiyon, nagsagawa ng checkpoint ang mga pulis at nakuha ang sasakyang ginamit sa krimen.

“They checked the riders, they presented identifica­tion cards and no firearms were recovered in their possession­s,” ayon kay Sinas.

Nang itigil ang checkpoint sa ganap na 8:00 ng umaga, dumalo si Gabuya sa security briefing.

“They held a security briefing because we issued a guidance urging the police in Guihulngan to take precaution­ary measures and no one should to take a break so that they will be ready for any eventualit­ies,” sambit ni Sinas.

Matapos ang briefing, nagtungo ang mga kasamahan ni Gabuya sa palengke habang siya ay nanatili sa tindahan ilang metro mula sa police station.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines