Balita

OFWs sa Europe, America at Africa naman

- Ni CHARISSA M. LUCI-ATIENZA

Hiniling kahapon ng chairman ng House Committee on Banks and Financial Intermedia­ries sa gobyerno ng Pilipinas na bumuo ng bagong bilateral migrant workers agreements sa mga umuusbong at malalaking ekonomiya ng Africa, South America, at Eastern at Northern Europe.

Ito ang panawagan ni Leyte Rep. Henry Ong matapos bumaba ng $1.03 bilyon ang remittance­s mula sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East sa unang 10 buwan ng taong ito.

Nanawagan siya sa economic managers na magbalangk­as ng mga bagong istratehiy­a na magpapauwi sa OFWs at i-redeploy ang ilang manggagawa­ng Pinoy sa ibang bansa.

“The Bangko Sentral ng Pilipinas figures clearly show the need for a revised OFW policy to wean the country away from vulnerabil­ity to the economic fortunes of the Middle East. This must be done because OFWs pump much more funds into the Philippine economy than foreign investors,” saad sa kanyang pahayag.

Binanggit ang datos ng BSP data, sinabi ni Ong na ang worldwide OFW personal remittance­s ay umabot sa kabuuang $26.5 bilyon mula Enero hanggang Oktubre, habang ang foreign direct investment­s ay nasa $8.038 bilyon.

Nababahala ang lider ng Kamara para sa Middle East, dahil simula Enero hanggang Oktubre, ang cash remittance­s ay nasa $5.43B noong 2018, bumaba mula sa $6.46B noong 2017.

Humina rin ang transfers mula Saudi Arabia ng 11.1 porsiyento, mula Kuwait ay 18.2%, mula Bahrain, 9.6%, at UAE sa 11.1%, aniya.

“Kung hindi maagapan ng pamahalaan ang patuloy na pagbaba ng remittance­s mula sa Middle East, direkta ang epekto nito sa mga probinsiya at ordinaryon­g Pilipino,” aniya.

Hiniling ni Ong ang paglalagda ng mas maraming bilateral accords, lalo na sa mga bansa sa Africa, South America, at Eastern at Northern Europe, na pakikinaba­ngan ng OFWs.

“These regions are where economic growth in happening and where OFWs should be providing the much-needed profession­al and technical manpower to sustain that progress,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines