Balita

Multa sa overloadin­g ng PUVs, tataasan

- Charissa M. Luci-Atienza

Nais ni Deputy Speaker at Bulacan Rep. Linabelle Ruth Villarica na taasan ang multa sa pagsakay ng labis-labis na pasahero ng public utility vehicles (PUVs).

Sinabi ni Villarica na dapat magkaroon ang gobyerno ng proactive measures upang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada at para mapanatili ang peace and order, at public safety.

“The overloadin­g of public utility vehicles has already claimed many innocent lives, and its persistenc­e continues to threaten the safety of passengers and commuters, as well as other road users,” anang babaeng House leader.

Ginunita niya na noong Setyembre 2018, 14 katao ang namatay nang pumalya ang brakes ng isang overloaded na pampasaher­ong van sa Balbalan, Kalinga Apayao, at nahulog sa bangin.

Sa ilalim ng House Bill 8504 o ang panukalang Anti-Overloadin­g Act of 2018, magiging ilegal para sa mga may-ari, operator, driver, conductor at iba ang tauhang responsabl­e sa operasyon ng anumang covered vehicle na magsakay ng mahigit kaysa nakarehist­rong carrying capacity nito na tinukoy ng Department of Transporta­tion (DOTr).

Sa ilalim ng HB 8504 ang overloaded na sasakyan ay papatawan ng mga sumusunod na parusa:

Sa unang paglabag, papatawan ng P50,000 multa at isang taong suspensiyo­n ng franchise at ng driver’s license ng driver. Sa ikalawang paglabag, multang P250,000 at dalawang taong suspensiyo­n ng franchise at driver’s license; at sa ikatlong paglabag ay multang P1milyon at pagbawi sa franchise at driver’s license.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines