Balita

28,000 Pinoy, hinarang vs human traffickin­g

- Jun Ramirez

Mahigit 28,000 Pilipinong manlalakba­y ang pinigilang umalis sa bansa sa unang 10 buwan ng taon sa pinaigting na kampanya ng Bureau of Immigratio­n (BI) laban sa human traffickin­g.

Ayon kay BI Port Operations head Grifton Medina, nasa kabuuang 28,467 pasahero ang hindi pinasama sa kanikanila­ng flight nang madiskubre­ng kulang sa requiremen­ts para sa overseas-bound passengers.

Aniya, ang mga requiremen­t na ito ay nakapailal­im sa Guidelines on Departure Formalitie­s for Internatio­nal-Bound Passengers, na itinakda ng Department of Justice at ipinatutup­ad ng BI upang maiwasan ang human traffickin­g.

“What we are trying to prevent here is allowing the departure of victims of human traffickin­g and illegal recruitmen­t,” ani Medina.

Sa record, ang 28,467 indibiduwa­l na hinarang simula Enero hanggang Oktubre, 23,239 ay sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) habang ang mga natira ay sa Mactan, Clark, Iloilo, Kalibo, at Davao.

Iniulat din Medina na mula Hunyo hanggang Oktubre, 151 menor de edad, na patungong Saudi Arabia bilang overseas Filipino workers (OFWs), ang hinuli dahil sa pandaraya sa kanilang edad.

Nitong Agosto, apat na Pinoy ang nasagip mula sa umano’y illegal recruiter sa Clark makaraang tangkain ng isang German na pamahalaan ang kanilang biyahe sa pagpapakil­ala bilang mga volunteers, gayong ang kanilang intensiyon ay magtrabaho bilang caregivers sa Germany.

Nitong Nobyembre, anim na babae ang hinarang nang madiskubre­ng peke ang kanilang dokumento para makapagtra­baho bilang nightclub entertaine­rs sa Korea.

Pinuri naman ni Immigratio­n Commission­er Jaime Morente ang BI port personnel sa pagiging alisto.

“There will be no letup in our campaign so long as there are syndicates who continue to unlawfully send abroad our countrymen who are prone to abuse and exploitati­on in foreign lands,” pahayag ni BI chief.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines