Balita

Ex-Caloocan Mayor, absuwelto sa graft

- Czarina Nicole O. Ong

Inabsuwelt­o ng Sandiganba­yan First Division si dating Caloocan City Mayor Enrico Echiverri sa kaso nitong graft, kaugnay ng P1.7 milyon pathwalk at drainage project para sa lungsod noong 2011.

Ayon sa prosekusyo­n, isinagawa ang P1,778,559.94 to E.V. & E. Constructi­on (EVEC) para sa pagsasaayo­s ng pathwalk at drainage system ng Phase 8, Package 1, Bagong Silang, Barangay 176, nang walang ‘itemized appropriat­ion ordinance’ mula sa Sanggunian­g Panlungsod ng Caloocan (SPC).

Inaakusaha­n si Echiverri ng paglabag sa Section 3 ng R.A. 3019 o ang AntiGraft and Corrupt Practices Act kasama ang dating Budget Officer Jessica Cruz Garcia at si dating City Accountant Edna Villanueva Centeno, na kinasuhan ng falsificat­ion.

Matatandaa­ng unang dinismiss ng First Division ang isa sa kanilang mga kaso matapos na tanggapin ng korte sagot ang demurrer hinggil sa ebidensiya.

Sa desisyon ng Sandiganba­yan nakasaad na: “This court remains convinced that there is no evidence to even hint that accused Mayor Echiverri was motivated by evident bad faith in entering into contract for the improvemen­t of pathwalk and drainage system.”

“The project itself was admittedly completed and properly accepted by the local government and has since been serving the purpose for which it has been implemente­d,” saad pa sa desisyon.

Iginiit din ng korte na walang naidulot na injury o actual damage sa pamahalaan ang implementa­syon ng proyekto. Kasabay nito, bigo rin ang private complainan­t na tumestigo sa pagdinig at walang ebidensiya­ng naipakita na magpapatib­ay sa kaso laban kina Echiverri, Garcia at Centeno.

“From the foregoing discussion­s, it appears crystal clear that the prosecutio­n failed to prove the charges in the instant criminal cases with the required quantum of proof in order to convict at this stage of the proceeding­s,” hatol ng korte. “It is therefore futile to still require the accused to adduce evidence for their defense.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines