Balita

Baguio, ‘wag isara sa turista -- Domogan

- Rizaldy Comanda

BAGUIO CITY – Nanawagan kahapon sa pamahalaan ang local government ng Baguio City na huwag isara sa mga turista ang summer capital ng bansa, kahit isailalim pa ito sa rehabilita­syon.

Ayon kay City Mayor Mauricio Domogan, pabor ito sa isinusulon­g ng gobyerno na rehabilita­tion upang manumbalik ang dating anyo nito basta hindi ito isailalim sa total closure.

Tinukoy ng alkalde ang naganap na rehabilita­syon ng Boracay Island na anim na buwan na isinara sa publiko na nagresulta sa pagkalugi ng mga negosyo sa isla.

Inilabas ng opisyal ang reaksyon bilang tugon sa pahayag ni

Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) Undersecre­tary for Solid Waste Management and Local Government Unit Concerns Benny Antiporda, isusunod na nilang ire-rehab ang Baguio City, pagkatapos ng Boracay, Palawan at Bohol.

“We welcome the help of the DENR if they can further augment what we have been doing with the EMB (Environmen­tal Management Bureau) and the MGB (Mines and GeoScience­s Bureau) in rehabilita­ting portions of the city that need rehabilita­tion. But we do not like is to generalize that Baguio will be like Boracay because Boracay’s case is entirely different and there is no need for the city to be closed in order to rehabilita­te. Baguio is a landlocked area aside from serving as a gateway to other areas in the different parts of Northern Luzon,” aniya.

Aniya, matagal na silang gumagawa ng paraan upang masolusyun­an ang problema sa polusyon sa tubig at hangin sa pamamagita­n ng kanilang mga proyekto at programa, katulong ang DENR Cordillera.

Inobliga na rin aniya nila ang mga residente at mga business establishm­ent na maglagay ng kani-kanilang septic tank bilang bahagi ng kanilang programa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines