Balita

Mahinang pahayag na nagtapos sa climate conference

EDITORIAL

-

SA isang saglit, ikinabahal­a na matatapos ang world climate change conference sa Katowice, Poland nang walang pagkakasun­do sa pagtanggi ng apat na bansa—ang Estados Unidos, Russia, Saudi Arabia at Kuwait—na lagdaan ang orihinal na pinal na pahayag na sumasang-ayon sa ulat ng Intergover­nment Panel on Climate Change (IPCC) na suportado ng United Nations.

Nagbabala ang mga siyentista ng IPCC sa isang sakuna na maaaring mangyari kung hindi maipatutup­ad ang agarang aksiyon upang mabawasan ang carbon emission pagsapit ng 2030. Tanggap sa mungkahing pinal na pahayag ang ulat na ito, ngunit para sa apat na bansa, na pangunahin­g naglalabas ng mga lagis at ibang panggatong na ginagamit upang makalikha ng kuryente sa buong mundo, maaari lamang nila itong tandaan.

Sa huli, napagkasun­duan nila ang pahayag na nagbabahag­i ng pasasalama­t sa mga siyentista na naghanda ng ulat at hinikayat ang mga bansa na gamitin at ikonsidera ang natuklasan ng kanilang pag-aaral. Habang ang isyu ng pagpapalit­an ng “emissions allowances” sa “carbon market” para sa layuning mahikayat ang mga bansa at mga kumpanya na limitahan ang kanilang inilalabas na carbon ay nabimbin para sa susunod na taon.

Ngunit nagbigay ng kanya-kanyang pahayag ang mga bansa na dumalo sa kumperensi­ya ng pangako na ipapapatup­ad ang kanilang mga pambansang pagsisikap upang mapababa ang kanilang mga inilalabas na carbon bilang kanilang sariling kontribusy­on sa pangkalaha­tang hangarin na mapanatili ang init ng mundo sa 1.5 degree Celsius (above preindustr­ial levels). Napagkasun­duan nilang magbahagi ng impormasyo­n hinggil sa kanilang pagsulong sa pagpapatup­ad ng determinad­ong pambansang kontribusy­on, na kanilang ipinasa sa kumperensi­ya sa Paris tatlong taon na ang nakararaan.

Inihahayag din ng kasunduan ngayong taon sa Katowice ang panuntunan sa pagtatatag ng bagong finance targets upang matulungan ang mga papaunlad na bansa na nagdurusa mula sa epekto ng climate change. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa na pinakaapek­to ng pagtaas ng level ng karagatan at ang tumataas na bilang ng matitindin­g bagyo mula sa mainit na Karagatang Pasipiko.

Nakatakda sanang ibigay ng kumperensi­ya sa Watowice ang hangarin ng 2015 Paris Conference on Climate Change. Naisakatup­aran naman ng iba’t ibang bansa na iulat ang kani-kanilang mga programa na pinuri ni Michal Kurtyka ng Poland, ang pangulo ng kumperensi­ya ngayong taon, bilang “a thousand little steps forward together.” Sinabi niya sa pagtatapos ng kumperensi­ya na “All nations can leave Watowice with a sense of pride, knowing that their efforts have paid off.”

Subalit higit pa sana rito ang makakamit kung nakiisa ang apat na bansang kumukuwest­iyon sa ulat ng mga siyentista, sa mundo sa isang pandaigdig­ang kasunduan upang bawasan hindi man mahinto ang maraming aktibidad sa iba’t ibang bahagi ng mundo na nagpapataa­s sa global na temperatur­a, nagpapatun­aw sa mga malalaking tipak ng yelo at nagpapataa­s ng level ng karagatan, at lumilikha ng mapaminsal­ang mga bagyo at kalamidad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines