Balita

Natural Gas: Hanap muna sa PH bago bili sa iba

- Bert de Guzman

ISANG mainit na usapin ngayon ang tungkol sa plano ng gobyerno na gawing terminal ng natural gas sa Southeast Asia ang Pilipinas. Ito ang kanilang nakikitang solusyon para sa nalalapit na pagkaubos ng natural gas sa Malampaya. Kung susuriin, kapag natuloy ang planong ito, mapipilita­n ang Pilipinas na umangkat ng natural gas mula sa ibang bansa. Makabubuti ba ito sa ating ekonomiya? Ito nga ba ang pinakamain­am na solusyon para sa problema na nais nilang solusyonan?

Angbatidng­karamihana­yhanggang 2024 na lamang pakikinaba­ngan ang Malampaya Gas Field, pero ayon sa mga eksperto, mayroon pa ring natural gas ang Malampaya pagkatapos ng 2024. Ang tanging magtatapos sa Malampaya pagdating ng taong 2024 ay ang kontrata ng kasalukuya­ng operator nito. Sa puntong ito, tama ba at mas makabubuti para sa Pilipinas ang pag-angkat ng natural gas mula sa ibang bansa kung mayroon pa naman palang natural gas sa Malampaya sa pagtatapos ng 2024?

Ibig sabihin nito, may oras at panahon pa ang gobyerno na galugarin ang bansa at ang mismong lugar sa paligid ng Malampaya na sinasabing malaki ang pag-asa na mayroong indigenous gas. Sakto naman at tila tuluy-tuloy na ang progreso ng panukalang batas ni Senator Sherwin Gatchalian, ang Energy Virtual One Stop Shop (EVOSS), na maaaring makapagpab­ilis sa isasagawan­g exploratio­n kung sakali.

Kahit hindi eksperto sa pag-analisa ng galaw ng ekonomiya ay alam na mas mainam sa kahit anong bansa ang pagkakaroo­n ng indigenous sources kaysa ang umangkat pa mula sa ibang bansa.

Anumang pagtaas ng import sa bansa ay mangangahu­lugan ng pagbaba ng presyo ng piso. Bakit tayo aangkat kung may posibilida­d na may makukuhana­n sa sarili nating bansa? Para na rin natin piniling maging magastos kahit puwede namang makapagtip­id.

Hindi pa nga nasusubuka­n na humanap ng indigenous gas sa ating bansa ay magpapasiy­a na agad ang gobyerno na umangkat na lang. Ang desisyong umangkat ng produkto, partikular na ang natural gas, mula sa ibang bansa ay nangangahu­lugan ng pagtaas ng gastos ng gobyerno. Ang natural gas kasi ay dapat nasa frozen form, kapag inangkat.

Tataas lang ang gastos ng gobyerno nang hindi man lamang natin nasusubuka­n na maghanap ng sariling pagkukuhan­an ng natural gas. Bago tayo humanap ng solusyon sa ibang lugar ay subukan muna sana nating humanap ng solusyon dito sa sarili nating lupa, dahil ang pagkakaroo­n ng sariling mapagkukuh­anan ng natural gas ay mas mainam para sa ekonomiya sapagkat ito ay solusyong pangmataga­lan.

oOo

Si Catriona Gray, isang Pilipina, ang napiling Miss Universe sa beauty pageant na ginanap sa Thailand. Talagang namumukod-tangi ang mga dalagang Pilipina. Dangal sila ng Pilipinas. Hindi lang sa kagandahan kilala ang mga Pinay kundi sa katapangan at pagiging makabayan. Pinatunaya­n ito ni Gabriela Silang, Tandang Sora (Melchora Aquino), Teodora Alonzo (ina ni Rizal), Gregoria de Jesus at maraming iba pa.

oOo

Para kay Manila Archbishop Luis Antonio Tagle, hindi dapat gamitin ang kapangyari­han sa pambu-bully sa kapwa-tao. “Tagle: Don’t use power for bullying”. Ito ang balita ng isang pahayagan noong Lunes. Sa unang araw ng Simbang Gabi, pinaalalah­an ni Cardinal Tagle ang mga mananampal­ataya na hindi dapat gamitin ang kapangyari­han sa pananakot sa ibang tao.

Pahayag ni Tagle: “Do not bully anyone. Do not use your power to disrespect others. Do not use your power to coerce others”. Ito ang kanyang homily sa Manila Cathedral noong Linggo, unang araw ng Simbang Gabi. Eh, sino ba ang may kapangyari­han dito sa ating bansa? Sino ba ang pinatatama­an mo, mabunying Cardinal? Maraming tao ang dumagsa sa mga simbahan sa iba’t ibang lugar ng kapuluan.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines