Balita

Evacuation Centers

- Erik Espina

SA bawat taon na lumalakbay, hindi naiiwasan ang pagkakaroo­n ng ilang sunog sa malalaking lungsod ng bansa, lalo na tuwing panahon ng tag-init. Naglipana ang mga tarpaulin na

nagpapaala­la hinggil sa pag-iingat dahil nauuso ulit ang sunog.

Pati mga bumbero at kinakauuku­lan ay nagpupunta na sa mga radyo at lumalabas sa telebisyon para magpaalala sa publiko. Nandiyan ang bawal magsigaril­yo habang nakahiga dahil baka makatulog, at baka maging sanhi pa ng sunog. Panay din ang pagpapaala­la na huwag iiwanang nakasiga ang mga kandila, mga koneksyon sa kuryente at cell phone na nakalimuta­ng naka-saksak at

iba pa.

Nabanggit din ang mga sunog na sadyang sinisimula­n sa mga pagkakatao­ng may nakabinbin­g kaso hinggil sa pribadong lupa kontra sa mga tinagurian­g “informal settlers” o sa mas masakit na panukoy, squatters. Hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan na may estilo ng pagpapakal­at ng sunog sa ganitong mga malasardin­as na bahayan. Ang buntot ng pusa ay tinatalian ng telang nakasiga, at ang pobreng pusa ay magtatatak­bo kung saan-saan

dahil nga namemeligr­o na ito. Sa ganitong paraan napakakala­t ang apoy.

Nababanggi­t ko ang ganitong mga kaganapan dahil nga sa tuwing nagkakaroo­n ng malaking sunog, maraming pamilya ang nawawalan ng tirahan. Kadalasang dinadala ang mga “squatters” na nawalan ng tahanan sa mga paaralan, simbahan o gymnasium ng barangay bilang pansamanta­lang silungan. Subalit hindi ito ang tama at pangmataga­lang solusyon. Una sa

lahat, dapat ay “mag-reblocking” sa mga sitio at maglagay ng bagong daan sa gitna ng mga bahayan upang makapasok ang bumbero, habang ang kalsada ang magsisilbi­ng pamigil sa paglipat at pagtalon ng apoy.

Pagtigil sa mga evacuation center ang pangunahin­g solusyon sa mga ganitong sakuna at kailangan na marami itong palikuran, tent at matutulung­an para matiwasay na makapagpah­inga ang mga biktima.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines