Balita

A-Angkas na ba kayo?

- Aris Ilagan

TILA solid ang paninindig­an ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) na huwag payagang makabiyahe ang mga libu-libong rider ng Angkas matapos magpalabas ng temporary restrainin­g order ang Korte Suprema hinggil sa operasyon nito.

Mismong si Transporta­tion Secretary

Arthur Tugade na ang naglabas ng kautusan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na hulihin ang mga Angkas rider na patuloy na magsasakay ng mga commuter.

Maaaring ma-impound o mahatak ang motorsiklo ng rider na magmamatig­as laban sa kautusan ni Tugade. Aabot sa 27,000 rider ang nangangamb­ang mawawalan ng hanap-buhay habang ipinatutup­ad ang kautusan na ito.

Ang resulta: Ang mga walang kalaban-laban na commuter ang naiipit sa sitwasyon, lalo na ngayong Kapaskuhan kung saan dagsaan ang Christmas shoppers na madalas ay naiipit sa lansangan habang bitbit ang mga biniling pangregalo dahil walang

ngang masakyan.

Ang tigas naman ng mukha n’yo d’yan sa LTFRB. Palibhasa, pakotse kayo ng gobyerno kaya wala kayong pakialam sa kalbaryo ng mga ordinaryon­g mamamayan. Sa kabila ng nakalulung­kot na sitwasyon ng mga biyahero na madalas ay nai-stranded sa lansangan, sarap-buhay naman kayong nakaupo sa magagarang Sport Utility Vehicle o SUV na kinuha sa kaban ng gobyerno.

Bakit hindi n’yo subukang magcommute sa rush hour upang malaman natin kung tatagal kayo sa pag-aabang ng masasakyan?

Sana man lang ay ipinagpali­ban muna ng LTFRB ang panghuhuli ng Angkas rider hanggang makalipas ang

panahon ng Pasko. Wala ba kayong puso?

Samantala, pursigido rin ang liderato ng Angkas na makakuha ng simpatya sa mamamayan. Batid na ng pangasiwaa­n ng Angkas na malaki ang impluwensi­ya ng social media sa ating pamumuhay kaya’t todo ang kanilang pag-iingay sa Facebook at Twitter.

Naging kakampi rin ng Angkas ang Change.org, isang internatio­nal group na nangangala­p ng lagda sa mamamayan upang makalipon ng suporta para sa isang adhikain tulad ng paglaban sa karapatan ng mga Angkas rider.

Layunin ng Change.org na makumbinsi ang gobyerno na payagan ang app-based motorcycle taxi na

patuloy na makabiyahe bilang pagtugon sa kahilingan ng nakararami.

Ipinipilit ni Tugade ang argumenton­g malapit sa sakuna ang motorsiklo kaya hindi nito pinapayaga­n ang Angkas hanggang hindi naisasabat­as ang mga panukalang gawing legal ang motorcycle taxi sa bansa.

Ngunit lumilitaw sa datos ng Angkas na nasa 99.997 porsiyento lamang sa mahigit 27,000 rider nito ang nasangkot sa sakuna. Ito’y dahil na rin sa mahigpit nilang proseso sa pagtanggap ng mga aplikante. Kung hindi daraan sa training at seminar, at hindi rin makapapasa sa mga eksaminasy­on, laglag ang mga ito.

Gets mo ba ‘yan, Secretary Tugade?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines