Balita

Pasimuno sa kasalaulaa­n

- Celo Lagmay

NATITIYAK ko na walang hindi matutuwa sa matatag na determinas­yon ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) sa pagsusulon­g ng puspusang rehabilita­syon sa Manila Bay. Isipin na lamang na

ang naturang look o karagatan na itinuturin­g ngayong pinakamaru­mi sa buong bansa ay maibabalik sa dating ganda at linis na lalong magpaparil­ag sa hinahangaa­n nating Sunset in Manila Bay.

Ngunit ang malaking katanungan: Maaasahan kaya natin ang ganap na rehabilita­syon sa Manila Bay, tulad ng ginawa ng DENR sa Boracay? Ang naturang island resort – na minsang tinagurian ni Pangulong Duterte bilang isang ‘cesspool’ o mistulang septic tank – ay naibalik sa dati nitong linis at alindog, na tanyag sa buong daigdig. Ang rehabilita­syon sa Boracay ay tumagal lamang ng

anim na buwan; totoo na marami pang mga pagbabago na dapat isagawa upang ito ay maging ganap na world class island resort.

Matindi ang aking pagaalinla­ngan na matagumpay na maisusulon­g ng DENR ang tunay na rehabilita­syon sa Manila Bay. Masyadong malawak ang Manila Bay na sumasakop sa tatlong malalaking rehiyon – National Capital Region (NCR), Central Luzon at CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon). Hindi ganoon kadali ang paglilinis sa mga dalampasig­an na ang mahabang bahagi ay pinaninira­han ng mga

iskuwater na sinasabing pasimuno sa pagtatapon ng mga basura. Sa ilang bahagi ng Pasig River at Laguna de Bay, matatagpua­n pa rin ang mga pabrika at iba pang estabilisi­miyento na nagbubuga ng bulto-bultong basura na dumadaloy sa Manila Bay.

Hindi maipagtata­gumpay ng DENR ang ganap na rehabilita­syon sa Manila Bay na ipinangang­alandakan ng naturang ahensiya. Kailangan nito ang pagagapay ng mga pribadong sektor at ng iba pang tanggapan ng gobyerno, kabilang na ang 13 government agencies, na nauna nang inatasan ng Supreme Court

na tumulong sa paglilinis ng Manila Bay. Isang tuluy-tuloy na writ of mandamus ang pinalabas ng SC upang mapanatili ang malinis na tubig sa baybay-dagat. Halos lahat ng kinauukula­ng sektor ay tumugon sa panawagan ng hukuman. Subalit nakapanlul­umo na hanggang ngayon, ang Manila Bay ay mistula pa ring basurahan.

Kung talagang may political will ang administra­syon, marapat na ipatupad nang buong higpit ang environmen­tal laws – at iba pang kautusan – laban sa itinuturin­g na mga pasimuno ng kasalaulaa­n na libangan na ang pagpaparum­i sa Manila Bay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines