Balita

George Lucas, may $5.4 billion net worth

-

KINILALA ng Forbes magazine ang Star Wars empire ng filmmaker na si George Lucas na pinakamaya­man sa lahat ng mayayamang US celebritie­s sa ikatlong taunang ranking ng wealthiest celebritie­s nitong Martes.

Ang net worth ng 74 taong gulang na writer, director, producer at creator ng space saga ay tinatayang nasa $5.4 billion, at siya ang nangunguna sa listahan na binubuo ng mga athletes, musicians, at isang mayamang illusionis­t.

Malaking bahagi sa yaman ni George ay nanggaling sa $4.05 billion sale ng LucasFilm production company sa Walt Disney Co noong 2012, ulat ng Forbes.

Ang figures sa listahan ng Forbes ay base sa kilalang holdings ng real estate, art, at shares of companies, both public and private, gayundin ang iba pang assets at kanilang kita.

Pumangalaw­a sa kanya ang kapwa filmmaker na si Steven Spielberg, na nagdiwang ng kanyang ika-72 kaarawan nitong Martes, sa tinatayang $3.7 billion net worth. Ang career ni Spielberg bilang director, writer at producer sa loob ng 50 taon, at ilan lamang sa mga kilala pelikulang hinawakan niya ang Jaws, E.T., Raiders of the Lost Ark, Schindler’s List at Saving Private Ryan.

Ang pinakamaya­ng female celebrity ay si Oprah Winfrey, 64, na mula naman ang malaking bahagi ng net worth sa kanyang pag-arte at media enterprise­s, mayroon siyang tinatayang $2.8 billion net worth. Siya ang pumangatlo sa listahan.

Pang-apat sa listahan ang basketball legend na si Michael Jordan sa estimated $400 million.

Bago sa Forbes list ngayong taon si Kylie Jenner, 21, na ang lumalaking yaman ay mula sa kanyang Kylie Cosmetics, at siya rin ang itinanghal na youngest ever self-made billionair­e, lahad ng magazine.

Kasama ni Kylie sa Top 5 ang rapper na si Jay-Z, at ang kanilang yaman ay kapwa nasa $900 million.

Kasama rin sa list ang illusionis­t at entertaine­r na si David Copperfiel­d, rapper na si Diddy, golfer na si Tiger Woods at ang awtor na si James Patterson.

 ??  ?? George
George

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines