Balita

F2 Logistics, nakapuwers­a ng ‘sudden death’

-

GINAPI ng F2 Logistics ang defending champion Petron para maipuwersa ang do-or-die sa 2018 PSL All-Filipino Conference Finals nitong Martes sa MOA Arena.

Naitala ng Cargo Movers ang 21-25, 25-19, 25-20, 25-17, panalo sa Game 2 para maitabla ang best-ofthree series sa 1-1.

Nanguna si Ara Galang sa F2 Logistics sa naiskor na 20 puntos, tampok ang 17 kills, habang kumana si skipper Cha Cruz-Behag ng 13 markers sa nakuhang 25 digs at 15 excellent receptions.

Kumana naman sina Majoy Baron at Aby Marano sa depensa ng F2 Logistics sa pinagsaman­g 12 kill blocks. Umiskor din si Baron ng 14 puntis, habang kumana sina Michelle Morente at Marano ng tig10 puntos.

“Medyo tight noong first set tapos madami pang bad calls ‘yung referee, nandoon na ‘yung momentum tapos mapuputol na hindi nakikita, judgement call eh. Hindi naman challengea­ble ‘yung mga calls ng referee noong pa-end ang first set

so hindi [na ako] nag-challenge,” sambit ni Cargo Movers coach Ramil De Jesus.

“Noong second set medyo relaxed na eh so sabi ko masyado nang malayo ‘yung naging score ng set so nahirapan humabol,” aniya. “So ibig sabihin kaya, sabi ko sa kanila, basta pag tyagaan lang ang situation ng nangyayari.”

Gaganapin ang Game 3 sa Huwebes sa Fil Oil Flying V Centre sa San Juan.

Nakuha ng Blaze Spikers ang Game 1, 25-23, 25-11, 25-17, nitong Sabado.

“Naniniwala ako na it’s by God’s grace, binibigyan niya kami ng lakas, kahit ano ‘yung mga nararamdam­an namin at ano yung line-up namin. Plus, pinaalala ni coach kung sino talaga kami, kung ano kaya gawin namin, and nagkaroon kami ng kumpyansa sa sarili, sa bawat isa, and kumpyansa para sa kasama, at malasakit din,” sambit ni Cruz-Behag. “Kaya nakuha namin yung Game 2, and may focus kami and may goal kami na makuha yung Game 3.”

 ?? RIO DELUVIO ?? MAAKSIYON ang bawat tagpo sa Finals ng Philippine Super Liga.
RIO DELUVIO MAAKSIYON ang bawat tagpo sa Finals ng Philippine Super Liga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines