Balita

Umuusok ang Nets sa Brooklyn

-

NEW YORK (AP) — Hataw si D’Angelo Russell sa natipang 22 puntos at a career high-tying 13 assists para sandigan ang Brooklyn Nets sa pinakamaha­bang winning streak sa kasalukuya­n matapos gapiin ang dating koponan na Los Angeles Lakers, 115-110, nitong Martes (Miyerkoles sa Manila)

Ratsada rin sina Joe Harris na may 19 puntos at Spencer Dinwiddie na kumana ng 18 puntos para sa ikaanim na sunod na panalo ng Nets sa unang pagkakatao­n mula noong Marso 25 hanggang Abril 3. Nag-ambag si Rondae Hollis-Jefferson ng 17 puntos at tumipa si Jared Dudley ng 13 puntos.

Nakabawi si LeBron James mula sa masamang laro sa naiskor na 36 puntos, 13 reboubnds at

walong assists, ngunit hindi niya naabatan ang pagbagsak ng Lakers.

Tumipa si Kyle Kuzma ng 22 puntos at 11 rebounds, habang kumubra si Lonzo Ball ng 23 puntos.

HAWKS 118, WIZARDS 110

Sa Atlanta, ratsada si Jeremy Lin sa naiskor na 16 puntos, tampok ang 12 sa final period para sandigan ang Atlanta Hawks kontra Washinton Wizards.

Nagsalansa­n si Bradley Beal ng 29 puntos para sa Wizards.

Pitong players ang kumana ng double figures para sa Hawks (7-23), kabilang si John Collins na may 20 puntos at 13 rebounds, habang umiskor si rookie Trae Young ng 19 puntos.

Kumana si Trevor Ariza ng 19 puntos sa unang laro sa Wizards

matapos ma-trade ng Phoenix Suns.

Nakuha ng Wizards ang 33anyos na si Ariza kapalit nina forward Kelly Oubre Jr. at guard Austin Rivers.

CAVS 91, PACERS 90

Sa Indiana, naisalpak ni Larry Nance, Jr. ang tip in sa buzzer para maisalba ang Cleveland Cavaliers kontra sa Pacers.

Tumapos si Nance na may 15 puntos, habang tatlong avs ang nag-ambag ng double digits score. Kumana si Rodney Hood ng 17 puntos, tumipa si Cedi Osman ng 13 puntos at hataw si Collin Sexton ng 12 puntos sa Cleveland.

Nag-ambag din sina Alec Burks at Matt Dellavedov­a ng 14 at 10 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

 ?? AP ?? GINAWANG asintahan ni Brooklyn Nets’ D’Angelo Russell si Los Angeles Lakers’ Kyle Kuzma.
AP GINAWANG asintahan ni Brooklyn Nets’ D’Angelo Russell si Los Angeles Lakers’ Kyle Kuzma.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines