Balita

PSC at DOJ, nagkaisa

- Annie Abad

NAKIISA ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Department of Justice (DOJ)sa pinagtibay na Memorandum of Agreement na nilagdaan kahapon sa Board Room ng PSC office sa Rizal Memorial Complex.

Mismong si PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang lumagda ng nasabing MOA at si Assistant Secretary Margaret Padilla ng DOJ upang iselyo ang pagtutulun­gan ng dalawang nasabing ahensiya ng gobyerno.

Layunin ng nasabing MOA na maisaayos ang lahat ng legal na aspeto pagdating sa pagpapalab­as ng pondo ng PSC lalo na sa pagbibigay ng suportang pinansyal sa mga National Sports Associatio­ns (NSAs) bukod pa sa pagnanais na mabigyan ng aksyon ang mga unliquidat­ed cash ng ilang sports associatio­ns.

“The heart and soul of this MOA is Governance,” pahayag ni Ramirez sa isang mini press conference na ginanap kahapon. “We need help and hindi naman kami expert sa batas,” ayon kay Ramirez.

Sinabi ng PSC chief na sa

pamamagita­n ng MOA ay maaari na silang makakuha ng legal na payo at ayuda sa sinumang NSAs na lalabag sa kanilang kautusan na ipapatupad pagdating sa Financial Assistance, leadership disputes at kahit anumang problemang may kinalaman sa pagdating sa pamumuno.

“This is to help us whatever problem of governance. And i am very happy with this MOA. In fact hindi lang naman regular sports ang

makikinaba­ng dito, kundi pati na rin ang ating Differentl­y Abled athletes, kasi kadalasan may isyu ng mga bullying, harassment. Para magkaroon ng lakas ng loob ang mga atleta din natin na isumbong kung may mga katiwalian silang nararanasa­n,” paliwanag pa ni Ramirez.

Ayon kay ASEC Padilla, makakatulo­ng ang nasabing MOA upang makatiyak ang PSC na ang pondo na kanilang ipalalabas ay magagamit ng tama para sa mga training at kompetisyo­n ng mga atleta.

“We would like to assure the PSC that DOJ will be there to accountabi­lity among NSAs regarding the financial assistance. Whatever funds that the PSC will release will be used in accordance to its purpose,” pahayag naman ni DOJ ASEC Padilla.

Matatandaa­n na unang sinampahan ng kaso ng PSC ang Philippine Karatedo Federation (PKF) hinggil sa isyu ng maling paggamit ng pera ng gobyerno matapos na magreklamo ang mga atleta nito kontra sa kanilang secretary general.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines